Walang sayang: CR na ang pinto ay mula sa sirang ref nagbigay ng ideya sa mga netizens

Imahe via Maldita | Facebook
  • Isang CR ang pinag-usapan sa social media dahil ang pinto nito ay pinto ng sirang refrigerator
  • Nagpapatunay lamang ito na may paggagamitan pa ang mga patapong appliances kung gagawan lang ito ng paraan
  • Nakaaaliw mang tingnan, ito ay hinangaan ng mga  netizens dahil sa ganitong pag-iisip ay walang masasayang na patapong gamit

Tinatapon mo ba agad ang mga sira mong appliances gaya ng refrigerator? Bago mo itapon  ‘yan basahin mo muna ito at baka may magagawa ka pa sa refrigerator mo.

Imahe via Maldita | Facebook

Sa isang larawan na ibinahagi ng Maldita FB page sa social media, ginawa lang namang pinto ng CR ang pinto ng sirang refrigerator. Ba’t hindi?  Kung puwede pa naman itong pakinabangan ay malaki ang matitipid mo.

Ang dating lagayan ng itlog ay pinagkabitan na ng mga toothbrush ngayon. Ibig sabihin, may pinto ka na, may paglalagyan ka pa ng mga gamit sa banyo. Magaling na ideya, di ba?

Kinaaaliwan man, humanga rin ang mga netizens sa ideyang ito ng Pinoy.

“Resourceful ang tawag dito. Hindi nasayang ang patapon na sanang pintuan ng ref.”

Imahe via Maldita | Facebook

“Cute kaya. Kala mo ref na malaki yun pala CR lang. May ganyan din bahay ng tropa ko non di ko lang maalala kung sino.”

“Magandang idea yan ah. Yong patapon na pinto ng ref puwede pala at may lagayan pa yan ng sabon, tootbrush etc.”

Bukod sa naging pinto ng CR, minsan na ring nag-viral ang sirang refrigerator na ginawang aparador. Ito ay pagmamay-ari ni Jenzel Gonzales.

Binalot niya ng wallpaper ang labas ng refrigerator para maging mukhang bago. At para hindi ito maging mabaho, nilalagyan niya ng alkampor ang loob. Ang alkampor ay ang maliliit na bilog na panlaban sa mga ipis at ibang peste dahil sa katangi-tangi nitong amoy.

Imahe via Jenzel Gonzales | Facebook

Netizen ipinagmalaki ang kanilang lumang ref na ginawang aparador

Ang mga patapong washing machine naman ay napakinabangan din sa isang paaralan sa Angat, Bulacan.  Ginawa itong hand washing facility kaya hindi na nagpagawa pa ng istruktura ang paaralan.

Walang masasayang na sirang appliances kung hahanapan natin ito ng panibagong gamit. Ang kailangan lamang ay tiyaga sa pagsasaayos nito at malikhaing isipan para magamit itong muli.