Sharon Cuneta nakatanggap na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine sa Amerika, Pinay nurse ang nagbakuna sa kanya

  • Kamakailan ibinahagi ni Sharon Cuneta na nabakunahan na siya kontra COVID-19 habang nasa Amerika
  • Moderna vaccine ang natanggap ni Sharon at isang Pinay nurse ang nagturok nito sa kanya
  • Matatandaan na lumipad papuntang Amerika si Sharon upang makasama ang iba pang kapamilya at upang makapagpahinga na rin

Ilang linggo matapos makarating sa United States, ibinahagi ni “Mega Star” Sharon Cuneta na nakatanggap na siya ng COVID-19 vaccine na Moderna. Sa isang Instagram video, ibinahagi ni Sharon ang proseso ng pagturok sa kanya ng 1st dose ng COVID-19.

Imahe mula sa video ni Sharon Cuneta via Instagram

“I’m here at a hospital. I’m getting my first shot of Moderna vaccine from (nurse) Trish. I am blessed because she is a Filipina also and I am happy to be getting this vaccine. So, I am excited. I just wish my kids could get it too soon,” sambit ng beteranong aktres sa kanyang video.

Makikita na saglit lamang na itinurok ng Pinay nurse sa aktres ang vaccine sa kanyang kaliwang braso, “that’s it? It wasn’t bad at all. My tolerance is high for pain, but I was expecting a little…” pabiro pa ni Sharon.

“Vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much, Nurse Trixia!” ani sa caption ng beteranong aktres. Matatandaan na lumipad siya patungong US upang makapiling ang ibang kapamilya at upang magkaroon na rin ng oras para sa sarili.

Imahe mula sa video ni Sharon Cuneta via Instagram

Basahin:  Sharon Cuneta bids goodbye to family, flies abroad: ‘I need to breathe, collect myself’

I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents,” ani Sharon sa isang IG post.

” I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys,” dagdag pa niya. Sa kanyang IG ay nagbibigay ng update ang aktres sa kanyang pananatili sa Amerika.

“Being here makes it seem like Covid is a lot farther away than it ever was. I love the weather now (it’s cold), and aside from seeing people wearing masks and not being able to watch movies at cinemas, eating at restaurants tables apart, it almost feels like life is normal again… I love being ‘home’ here,” ani pa ni Sharon sa isang post.