
- Diretsahang sinabi ni Piolo Pascual na handa siyang bumalik sa paggawa ng teleserye kung si Judy Ann Santos ang makakatambal
- Sa ngayon ay mas nais munang gumawa ng mga pelikula ni Piolo, gusto niya rin munang makapag-focus sa buhay niya sa probinsya
- Ani Piolo, malaki ang utang na loob niya kay Judy Ann kaya handa siyang magbalik teleserye para sa aktres
Naging matunog ang anunsyo ng ABS-CBN na magkakaroon ng Pinoy remake ang sikat na series na unang umere sa United Kingdom, ang “Doctor Foster.” Sa Pinoy adaptation ay papangalanan itong “The Broken Marriage Vow” na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

Bago pa man ang ianunsyo kung sino-sino ang magiging cast ng Pinoy remake ng serye, marami nang Pinoy ang nagnanais na maging comeback project ito nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.
Sa isang eksklusibong panayam, inamin ni Piolo na kung sakaling tinanggap ni Judy Ann ang nasabing proyekto at inalok sa kanya ang pagiging leading man ay hindi siya magdadalawang-isip na tanggapin ito.
“Kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I’ll do it. I’ll do it in a heartbeat. It’d be nice to work with her again,” ayon sa beteranong aktor. Matatandaan na noong 2019 ay nasabi ni Piolo na hindi muna siya gagawa ng mga teleserye, ngunit para makatrabaho muli si Judy Ann ay magbabalik-loob siya.

“I just skip TV because I want to focus on being a probinsyano. My passion has always been the movies. I love films. That’s really my priority. I’m gearing towards doing just movies for now,” ayon sa aktor.
Aniya, malaki ang utang na loob niya kay Judy Ann kaya handa siyang muling pasukin ang teleserye para sa aktres. “Juday is Juday. I’m always gonna be a fan of Juday. Laki ng utang na loob ko doon. If there’s a chance for us to work again, anytime.”

Para naman sa mga napiling main lead ng The Broken Marriage Vow, sinabi ni Piolo na kayang-kayang gamapanan ito nina Jody at Zanjoe. “I’m happy for Jodi and Zanjoe. They are my friends too. And I’m sure kayang kaya nila ‘yon,” ani Piolo.
Panoorin dito ang kanyang buong interview: