
- Isang Pinay ang kamakailan ay nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong unibersidad sa Amerika
- Bukod sa kanyang pagtatapos, napabilang din ang Pinay sa mga nabigyan ng karangalan bilang magna cum laude
- Ayon sa kanya, sulit ang pagsusunog niya ng kilay sa loob ng limang taon at mapalad rin siyang makatanggap ng suporta sa mga pamilya at kaibigan
Sa katatapos na 69th Miss Universe pageant, nakapasok muli ang Pilipinas sa top 21. Ito na ang pang-11 na taon na nakapasok ang ating bansa bilang top candidates. Kabilang din ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming naiuwing korona ng Miss Universe; apat na titles.

Subalit bukod sa pagiging competitive sa pageantry, kilala rin ang mga Pinoy sa ibang bansa dahil sa kakaibang talento, positibong ugali at pananaw, at ang galing sa academic na kayang makipagsabayan sa iba pang matatalinong lahi.
Umani na ng mahigit 119,000 reactions, at mahigit 3,000 comments and shares ang ibinahagi kamakailan ng ABS-CBN News Facebook page tungkol sa isang Pinay na nakapagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong unibersidad sa Amerika.
Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Chemical Engineering and Minor in Energy and Sustainability ang Pinay student na si Angelica de Jesus sa University of Houston. Nagagalak niyang ibinahagi sa social media ang mga larawan ng kanyang graduation.

Bukod sa matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo, nag-uwi rin ng karangalan si Angelica bilang isang magna cum laude at University Honors mula sa Honors College.
Ayon kay Angelica, halos limang taon siyang nagsunog ng kilay sa kolehiyo at lahat ng kanyang mga ginawang sakripisyo ay sulit dahil sa mga natanggap na karangalan. Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat sa ibinigay na suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Matatandaan na mayroong lumalaganap na hate crime sa Amerika laban sa mga Asians at mapalad umano si Angelica na hindi nakaranas ng anumang hindi magandang pagtrato sa kanya.
Marami namang netizens ang bumati sa Pinay na magna cum laude sa University of Houston, “Mabuhay talaga ang Pilipino kahit saan sulok ng mundo may mangingibaw pa rin na Pinoy. Congrats!” ani ng isang netizen.