‘Paalala, hindi ka na bata’: ‘Adulting cake’ na ibang ‘bills’ ang mahihila, kinaaliwan ng mga ‘tito’ at ‘tita’

Image via Klasik Titos and Titas of Manila | Facebook
  • Madalas na laman ng mga selebrasyon ngayon ang money cake na may surprise cash na mahuhugot 
  • Sa isang Facebook page, kinaaaliwan ngayon ng mga “tito” at “tita” sa social media ang isang cake na sa halip na peso bills ay mga bill ng bayarin ang mahihila
  • Binansagang “adulting cake”, ito raw ay makapagpapaalala sa mga young once na hindi na talaga sila mga bata

Patok na patok sa mga selebrasyon sa kasalukuyan ang mga money cake; o ang cake kung saan may surprise cash na mahuhugot ang sinumang pagbibigyan nito. Ngunit dahil sadyang malikhain ang mga Pilipino, may panibagong klase na naman ng cake na kinaaaliwan.

Pero sa halip na peso bills, ibang bills ang mahihila mula rito.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Klasik Titos and Titas of Manila ang binansagang “adulting cake” ng social media users dahil ipinaaalala lamang daw nito sa mga young once na hindi na talaga sila mga bata.

“Birthday cake ng mga tito/tita. Ito ‘yong usong cake na may hinihilang BILLS,” saad ng page sa caption ng larawang ini-upload nito.

“Ito ang cake na nararapat sa mga nag-a-adulting. Ito ang cake na magpapaalala sa ‘yong hindi ka na bata. Adulting na talaga,” dagdad pa ng admin ng page na ginawa para.

Agad na nag-iwan ng kumento ang followers ng page at nagbigay ng reaksyon sa nasabing cake.

“Mahirap pala magpagawa ng ganiyang cake,” wika ni Aillene Aguila Ordillano. “Baka puro bills ng bayarin ang nakalagay.”

“Ang daya!” saad ni Monique Pilapil.”Oo nga, ba’t iba ‘yong lumalabas na bills sa atin.

Kumento naman ni Gian Karla Mangadlao, “Ayoko maka-receive ng ganito kahit pa libre nang cake. Hahaha!”

Mayroon din mga nagbahagi na mayroon na silang sinopresa gamit ang klase ng cake na ito, habang ang ilan naman ay balak daw bumili ng katulad ng nasa post at maghatid ng katatawanan sa sinumang hihila ng laman nito.

Image captured from Facebook

Ikaw, anong masasabi mo sa “adulting cake” na ito?