
- Si Marjorie Barretto naman ang nagbahagi ng kanyang karanasan bilang ina sa YouTube channel ni Toni Gonzaga
- Kabilang sa kanyang mga naikuwento ay ang mga pangaral niya sa mga anak tungkol sa pagkakaroon ng relasyon
- Ayon kay Marjorie kailangang laging may respeto sa relasyon at huwag siraan ang mga dating nakarelasyon
Bilang isang dating aktres at ngayon ay ina ng mga kilalang personalidad, halos bukas sa publiko ang personal na buhay ni Marjorie Barretto at ng kanyang mga anak na sina Dani, Julia, Claudia, Leon (ang nag-iisang anak na lalaki), at Erich.

Maraming mga karanasan at personal na bagay ang ibinahagi ni Marjorie, kabilang na rito ang mga aral niya sa mga anak pagdating sa pagkakaroon ng relasyon. Sa kasalukuyan, ang kanyang panganay na anak na si Dani ay kasal na at mayroon na ring anak, si Julia naman ay karelasyon ang aktor na si Gerald Anderson.
Tinanong ni Toni si Marjorie tungkol sa mga natutunan nito sa past relationships at kung anong mga aral ang itinuro niya sa mga anak tungkol sa buhay pag-ibig.
Tugon nito, “First of all, not to speak ill of your ex. This is really a lesson I’ve taught my kids. Julia has experienced bad relationships, but you won’t hear her speak ill of them.”
“I teach independence to my daughters. To never to run after a man pag ayaw na,” ani pa ni Marjorie.
Nabanggit din ng dating aktres ang tungkol sa kahalagahan ng respeto sa isang relasyon. “Kapag may warning signs, pay attention. Huwag din ‘yung ‘sobrang mahal ko itong tao.’ You have to be treated well, with respect.”

“I always say ‘kapag nawala ‘yung respeto… that’s it. And I tell my kids, ‘you know I made many mistakes in my life for a reason. So that you guys won’t have to go through it. I’m very open about my mistakes, it’s for you to learn,'” ani pa ni Marjorie.
Sinabi rin niya na pagdating sa relasyon ng mga anak, hindi siya nakikialam. Subalit kung napapansin niya na wala nang patutunguhan ang relasyon ay sinasabihan umano niya ang mga anak.

“Kapag kunwari one of my kids have a relationship na away nang away na walang kuwenta, I’ll say, ‘oh, you know what? Ngayon pa lang away na kayo nang away, what if when the real problem comes, ubos na kayo.'”
Panoorin dito ang buong video na mayroon nang mahigit 1.2 million views: