Nikki Valdez inalala ang mga paghihirap para lang mapag-aral ang anak, pinasalamatan ang ABS-CBN

Imahe mula kay Nikki Valdez via Instagram
  • Ipinagmalaki ni Nikki Valdez sa social media ang kanyang anak na si Olivia na nakapagtapos na ng grade school
  • Ikinuwento rin ng aktres ang mga paghihirap na dinanas para lang mapag-aral ang anak dahil kababalik pa lang niya noon sa showbiz
  • Pinasalamatan ni Nikki ang ABS-CBN at sa proyektong inialok sa kanya na siyang bumuhay sa kanila ng anak

Proud mom ang 40-anyos na si Nikki Valdez dahil sa pagtatapos ng kanyang anak na si Olivia sa elementarya. Sa sunod-sunod na Instagram posts, ibinahagi ni Nikki ang pagmamalaki niya sa anak at sa lahat ng kanilang pinagdaanan para lang mapag-aral ito.

Imahe mula kay Nikki Valdez via Instagram

“We all have seen your journey to growth— from your pains and failures to your happiness and successes! I know it has not been an easy feat going to school during a pandemic but you made us all so proud, anak!” ani Nikki.

Nagbigay din siya ng mensahe sa anak para sa susunod na kabanata ng pag-aaral nito. “Keep aiming for the stars and stay strong in your faith. The future is bright as long as you work hard and focus on the goals you want to achieve and remember that the learning never stops with just your academics.”

Sa isa pang post, nagpasalamat si Nikki sa kanyang pamilya dahil sa suporta na ibinigay sa kanya sa pagpapalaki kay Olivia. Solo parent noon si Nikki na kababalik lamang sa showbiz pagkatapos ang dalawang taong hiatus.

Imahe mula kay Nikki Valdez via Instagram

I can still vividly remember that day when I first inquired at a nursery school for Olivia. I was then already a solo parent with zero confidence and just enough money in my bank account,” kuwento ni Nikki. Nagkaroon din umano siya ng pagdududa sa kakayahan niyang mapag-aral ang anak.

“Fast forward to this day, here we are anak… You are graduating from grade school! I cannot help but look back to all of those days when I thought I could not support you on my own.” Isa sa mga pinasalamatan ng aktres ay ang ABS-CBN na nagbigay umano sa kanya ng proyekto.

“Nung nabubuhay pa si Direk Wenn Deramas and he found out na nasa Pilipinas na ako for good, tinawagan niya ako agad to tell me isasama niya ako sa show niya and Direk Lauren Dyogi thank you too. I will never forget your phone call assuring me that I will have work so I can sustain my daughter.”