Neri Naig at Chito Miranda desidido nang tumira sa kanilang farm house, pinasilip ang 3D design nito

  • Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Neri Naig ang disenyo ng magiging farm house nila sa Cavite
  • Ayon kay Neri, napagdesisyunan na nila ng asawang si Chito na dito tumira kapag natapos na ang ipagagawang bahay
  • Bukod sa makapagtatanim sila ng mas maraming gulay at makapag-aalaga ng mga farm animals, healthy living din ang pamumuhay sa bukid

Sa panahon ngayon na mayroon tayong kinahaharap na pandemya, maraming Pinoy ang mas pinili na lamang na umuwi sa kani-kanilang probinsya at dito na manirahan.

Imahe mula kay Neri Naig via Instagram

Bukod kasi sa presko ang hangin at malayo sa polusyon ng siyudad, hindi rin magastos ang pamumuhay sa probinsya lalo na at maaaring magtanim ng mga gulay at prutas na kakainin. Kabilang ito sa mga dahilan kaya napagdesisyunan na ng mag-asawang sina Neri Naig at Chito Miranda na sa kanilang farm house na manirahan.

“We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko,” ani Neri sa isa niyang Instagram post habang pinapakita ang 3D design ng kanilang magiging farm house.

Imahe mula kay Neri Naig via Instagram

Bukod sa pagtatanim ng mga gulay, binabalak din nila na mag-alaga ng farm animals.

“Mag-aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami. Hindi ko alam kung kaya pang mag-alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon,” dagdag pa ng aktres na ngayon ay isa na ring negosyante.

Kilala ang mag-asawang sina Chito at Neri dahil sa kanilang mga nakaka-inspire na kuwento tungkol sa buhay pamilya at pag-aasawa. Bukas din sila sa publiko tungkol sa kanilang mga pinapasok na negosyo sa kagustuhang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Imahe mula kay Neri Naig via Instagram

Bukod kina Neri, Chito, at anak nilang si Miggy, makakasama rin umano nila sa farm house ang ina ni Neri at mga kamag-anak na gustong magbakasyon dito.

“Dito rin titira nanay ko, lagyan namin siya ng room niya na diretso na sa garden. Maglalagay din kami ng isa pang room para sa in laws ko naman kapag magbakasyon sila.”

Sa huli sinabi ni Neri na ang kanyang “greatest motivation” sa paghahanap-buhay ay ang kanyang pamilya. “Kaya kayod nang kayod lang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: