
- Sa edad na dalawa, narating na ng isang batang babae, kasama ng kanyang mga magulang, ang tuktok ng Mount Apo
- Itinuturing na “major climb” ang Mt. Apo dahil ito ang highest mountain in the Philippines
- Kuwento ng kanyang mga magulang, kinakarga nila ang anak lalo na sa mga mahihirap na daraanan papunta sa tuktok ng bundok
Nauuso sa maraming Pinoy lalo na sa mga kaya pa ng kanilang kasu-kasuan ang pag-akyat sa mga bundok na matatagpuan sa Pilipinas. Bukod kasi maganda itong physical activity, nakabibighani rin ang mga makikitang tanawin sa pag-akyat at sa tuwing nararating na ang tuktok ng bundok.

Hindi na lamang pang nasa tamang gulang ang pagiging mountaineer dahil kamakailan, nag-viral sa social ang tungkol sa dalawang taong gulang na batang babae na narating na ang tinaguriang “highest mountain in the Philippines,” ang Mount Apo sa Davao.
Itinuturing ang Mount Apo na “major climb” ng mga mountaineers; hindi kasi basta-basta ang pag-akyat dito dahil mayroon itong taas na 10,311ft above sea level. Ang trail difficulty nito o hirap ng mga dadaaanan ay nasa 7/9.
Hindi nagpatinag ang 2 taong gulang na si Bella “Jangjang” Psalm Alesna matapos siyang isama ng mga magulang na sina Tricia at Jhong Alesna sa pag-akyat sa Mount Apo via Bansalan, Davao del Sur trail.

Kuwento ni Tricia, namana ng kanilang anak ang pagka-adventurous nilang mag-asawa kaya naman game na game din itong umakyat sa Mt. Apo. Tatlong araw ang inabot nila upang makarating sa tuktok ng bundok at makababa na sa camp site.
Dahil sa hirap ng ilang trails o dadaanan paakyat ng Mt. Apo, may mga pagkakataon na kinarga na si Jangjang ng kanyang mga magulang. Minsan naman ay mag-isa lang siyang naglalakad lalo na kung patag ang trail. Mayroon ding ibang kasamang mountaineers ang Alesna family na tuwang-tuwa kay Jangjang.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Tricia ang saya ni Jangjang nang makarating na sa summit ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ayon pa sa mag-asawa, bukod sa Mt. Apo ay nakaakyat na rin ang 2-anyos nilang anak sa Mount Loay sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Bagama’t may pandemya, pinayagan umano na umakyat ng bundok ang bata dahil hindi naman umano punuan ang campsite at naipatupad rin ang physical distancing.