Mga kikitain ni Ivana Alawi sa Mother’s Day vlog, ibibigay bilang donasyon sa mga single mom tulad ng kanyang ina

  • Para sa Mother’s Day celebration nagkaroon ng simpleng surpresa si Ivana Alawi para sa kanyang ina
  • Tampok sa kanyang Mother’s Day special vlog ang personal na pag-aayos niya sa ina, nagkaroon din sila ng picnic-style lunch, at ibinigay din nila ang regalong pet dog
  • Sa huling bahagi ng kanyang vlog, sinabi ni Ivana na ang lahat ng kanyang kikitain ay ibibigay niya sa charity na sumusuporta sa mga single mom

Sa kanyang Mother’s Day special vlog, naging simple ang selebrasyon ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi para sa kanilang ina na si Fatima Marbella o mas kilala sa tawag na “Mama Alawi.”

Imahe kuha mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Ani Ivana, hindi engrande ang kanilang selebrasyon dahil hindi iyon ang gusto ng kanyang ina. Kaya naman naisipan nila ng kanyang mga kapatid na isurpresa ito sa pamamagitan ng picnic-style lunch at pagbibigay ng mga regalo na matagal nang ninanais ng ina.

“Single mother siya at pinalaki niya kaming apat na magkakapatid. So this day is her day. We have to always thank our mamas kasi nagpakahirap silang dalhin tayo sa mundong ito. Ang today we have to give back and give thanks to them for being great mamas,” ani Ivana.

Hinintay muna ng vlogger na magising ang kanyang ina saka niya ito personal na inayusan. Pagbabahagi ni Ivana, isa sa kanyang mga skill ay ang pagiging makeup artist at hairstylist na sinang-ayunan naman ni Mama Alawi matapos siyang ayusan ng anak.

Imahe kuha mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Bukod sa picnic-style lunch, niregaluhan din nina Ivana, Hash, at Mona Alawi ang kanilang ina ng bonggang bouquet of flowers at ang inaasam umano nitong pet dog na French Bulldog. Pinangalanan ni Ivana ang niregalong bulldog sa ina ng “Mama.”

Labis namang natuwa at nasurpresa si Mama Alawi sa mga inihanda ng kanyang mga anak. Sama-sama nilang pinagsaluhan ang iba’t ibang putahe kabilang na ang paborito ni Mama Alawi na lobster.

Imahe kuha mula sa video ni Ivana Alawi via YouTube

Sa huling bahagi ng vlog, inanunsyo ni Ivana na kanila umanong napagkasunduan ng kanyang ina na ang lahat ng kikitain ng kanilang Mother’s Day vlog ay ibibigay nila sa mga charity na sumusuporta sa single moms katulad ni Mama Alawi.

“Ang mga tulong din ay galing sa inyo. And we want to say thank you for supporting us,” ani Ivana. “Salamat, salamat sa inyo sa walang sawa[ng suporta],” dagdag pa ni Mama Alawi.

Panoorin ang buong vlog dito: