
- Sa panayam kay Manila City Mayor Isko Moreno, sinabi niyang ayos lang mangopya ng mga isinasagawang hakbang ng ibang lider pagdating sa pamumuno
- Isa si Mayor Isko sa mga nabigyan ng oportunidad na mapag-aralan ang mga hakbang na ginawa ng British government laban sa COVID-19
- Aniya, ilan sa kanyang mga isinasagawang hakbang ay kinopya niya mula sa ibang namumuno
Ang kaayusan ng isang teritoryo o lugar ay nakasalalay sa mga namumuno nito. Batay sa mga batas ay nagsasagawa sila ng mga hakbang upang maisaayos at mapabuti ang kabuhayan ng mga nasasakupan.

Pagdating sa pamumuno, naniniwala si Manila City Mayor Isko Moreno na ayos lang kumopya ng “best practices” upanng lubos na mapabuti ang isang lungsod o nasasakupan. Sa kanyang panayam kasama ang Summit Media editors, sinabi niyang naniniwala siya sa pag-adopt ng mga plano ng ibang lider.
“Yung qualities… Yung mga puwedeng kopyahin sa kultura natin, sa mga tradisyon natin, kostumbre natin, ay ina-apply natin,” ani Mayor Isko na isa sa mga nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan ang mga plano ng British government kontra COVID-19.
“I was just fortunate to be with the head of the COBRA. I was sent by the British government to London in February 2020 to meet with the COBRA or Corona British Response Agency. When I got the plan, the country’s plan, I went home immediately and copied some,” ani Yorme.

Nanindigan ang Manila mayor na kung maganda ang epekto ng plano ng isang lider sa kanyang nasasakupan, maaari din itong kopyahin ng iba. “I do copy, yes. I do believe in… kung gumagana e ‘di kopyahin.”
Bukod sa pangongopya ng mga isinasagawang hakbang sa pamumuno, mahalaga rin umano ang “team work” ng mga lider lalo na ng mga magkakalabit na lungsod. Sinabi ni Mayor Isko na bagama’t may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Metro Manila Mayors, nagkakaroon pa rin sila ng palitan ng mga ideya para sa pagsulong ng mga plano.
“Kanya kanya kaming ideas but at the end of the day… In fairness to my fellow mayors. Kaya pag nagkaka-botohan, hindi namin ina-out. Gusto namin iparamdam kung ano yung nabotohan na lamang ng marami, sundan na lang muna namin para laging may plano. Tapos kanya kanya na kaming mag-implement sa aming city based on needs kasi iba-iba rin naman ‘yung demographics namin.”