Mayor Isko Moreno inaprubahan na ang P350M budget para sa mid-year bonus ng LGU workers

Imahe mula sa Facebook
  • Simula kalagitnaan ng Mayo ay makatatanggap na ng mid-year bonus ang regular employees sa Manila LGU
  • Ito ay matapos aprubahan kamakailan ni Mayor Isko Moreno ang nasa P350 million budget para sa mid-year bonus
  • Sinabi pa ni Mayor Isko na bagama’t nasa kalagitnaan ng pandemya at kinakailangan ng malaking budget, hindi pa rin mawawala ang mid-year bonus ng mga manggagawa

Magandang balita kamakailan ang ipinarating ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos niyang aprubahan ang P350 million budget para ilaan sa mid-year bonus ng mga regular employees sa local government unit.

Imahe mula sa Facebook

Simula May 18 ay maipapasok na sa payroll ng nasa 8,745 regular city government employees ang kanilang mid-year bonus na nagmula sa Ordinance No. 8702 o “An Ordinance appropriating the amount of twenty billion pesos (PHP 20,000,000,000.00) under the General Fund Executive Budget of the City of Manila for FY 2021.”

Ayon kay Mayor Isko, ngayong taon ay P350 million ang nakatabing budget para sa mid-year bonus ng mga empleyado. “Alam ko pong maski ang mga empleyado natin ay apektado rin ng pandemya, kung kaya’t ang bonus po na ito ay para sa inyo upang maibsan ang hirap na inyong nararanasan,” saad pa ni Yorme.

Naniniwala din si Mayor Isko na malaking tulong ang mid-year bonus sa mga empleyado lalo na at nasa kalagitnaan pa rin ang lungsod sa tumataas na kaso ng COVID-19. “We are under the State of Emergency in the city of Manila and at the same time, we are under the State off Public Health emergency as declared by the President,” ani Manila Mayor na muling nagpaalala sa publiko ng health protocols.

Imahe mula sa Facebook

Patuloy ang vaccination program ng Manila LGU kung saan mahigit 111,000 na mga residente na ang nabakunahan kontra COVID-19. Nasa 377,993 families o 99.26% ng total beneficiaries sa lungsod ang nakatanggap na rin ng tig-P4,000 na ECQ ayuda mula sa national government na naipamahagi sa pangunguna ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

“Tuloy-tuloy lang po tayo sa pagtutulungan hanggang sa tuluyang masugpo ang pandemyang ito,” ani Manila City mayor.