Kakaibang ‘flexible learning’ trend ng mga college student, nauuso sa social media

  • Kinaaaliwan sa social media ang tila kakaibang “flexible learning” setup ng isang college student
  • Habang gamit kasi ang laptop ay iba’t ibang posisyon na nagpapakita ng kanyang pagiging flexible ang ginawa ng estudyante
  • Aniya, hindi epektibo sa lahat ng estuyante ang flexible learning policy ng CHED

Kamakailan ay inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na “flexible learning” na ang magiging new norm sa sistema ng edukasyon. Nilinaw naman ni CHED chairman Prospero de Vera na maaari lamang magbalik ang face-to-face classes kung matitiyak na ligtas ang classroom setup para sa mga estudyante.

Imahe mula Twitter

Kasabay ng anunsyo ng CHED tungkol sa flexible learning ay naging trend sa Twitter ang mga nakaaaliw na flexible learning setup ng mga estudyante. Kabilang sa mga nakisali sa trend na ito ay ang estudyante na si Mellinjan Dolocanog mula sa Lala, Lanao Del Norte.

Sa mga ibinahaging larawan ni Mellinjan ay gamit niya ang laptop habang nasa iba’t ibang posisyon na nagpapakita ng kanyang pagiging flexible.

“I was just so bored at that time and I was only following the flexible learning trend on Twitter. [I tried it] since I have the talent to literally flex my body,” ani Mellinjan sa kanyang panayam sa The Philippine Star.

Imahe mula kay Mellinjan Dolocanog via Facebook

Bilang isang physical education major, sinabi ni Mellinjan na hindi magiging epektibo ang flexible learning policy sa lahat ng estudyante sa kolehiyo. “I don’t think this learning set up (flexible learning) would be effective to college students that really require field or laboratory classes. Because if [this] scenario continues, hanggang sa makapagtapos kami ng college, I don’t know what will happen.”

Nagbahagi rin ang estudyante ng kanyang sariling karanasan sa flexible learning. Iniisip din niya kung paano ang mga less fortunate na estudyante na walang access sa educational resources.

Imahe mula kay Mellinjan Dolocanog via Facebook

“I’m so drained and struggling with e-learning now even if I have the resources naman to access kahit na limited lang, how much more to those underprivileged na kahit pang-load wala. I must say that this type of learning is [only] for those who can afford it,” ani Mellinjan.

Nilinaw naman ni CHED chairman De Vera na ang flexible learning ay hindi katulad ng distance learning. At sa ilalim ng polisiyang ito ay maaaring gumamit ang mga guro ng online at offline teaching method.

  1. Sweet Bonanza Slot
  2. Slot Deposit Pulsa
  3. Slot Zeus Pragmatic
  4. Akun demo pg
  5. Slot Online
  6. Jam Slot Gacor
  7. Slot Via Ovo
  8. https://sbus.org.br/wp-content/themes/demo-spadegaming/

1 Comment

  1. IMO hindi ko tinuturing na “bayani” (ng bayan) ang mga OFW pero sila ay Bayani ng kanilang pamilya. Ano nga ba ang definition ng bayani? Sige i-define natin… Marami sa mga OFW ay nangingibang bansa dahil 1. para din sa kanilang sarili at sarili nilang pamilya. 2. Marami sa atin ang mas pinipili magsilbi sa ibang bansa kompara sa sariling bansa -katulad ng mga doktor. 3. Dumarating ang panahon na “Maayos” na ang kanilang pamumuhay at may naipon ng konting pera para makapagsimula pero mas gugustuhin nila na hindi na bumalik sa bansa. Tanong ko bakit hindi kayo bumalik at mag negosyo man lang para makaltulong sa ekonomiya ng ating bansa? pag nagnegosyo kayo sa pilipinas marami ang matutulungan ninyo mula sa pagbigay ng trabaho sa mga tao hangang sa sarili nating gobyerno sa pamamagitan ng pagbayad ng buwis. Dahil sa nanirahan naman kayo sa ibang bansa , maaaring kumuha kayo ng mga contact doon para madaling mai-export ang mga produkto na inyong inaalok. Ang gobyerno ay ganun din, hindi mo maintindihan kung bakit kailangan pa bumili ng mga pinaglumaan ng iba kung tutuusin naman ay kaya naman gumawa ng mga pilipino ng sarili nilang mga barko,tren,sasakyan bakit hindi nila ipagawa ito sa mga lokal na manggagawa para lalo umunlad ang lokal na industriya? mula sa mga blue colars katulad ng mga welders,electricians, construction workers hanggang sa mga engineers, architects, accountants etc… maraming magagaling na mga manggagawa dito sa pilipinas nawa-walang gana nalang nga siguro magtrabaho dahil nasasayang lang ang kanilang pagpupursigi dahil sa mga kalokohan ng gobyerno. Sabi ng aking taiwanese na kaibigan, maganda ang lupa sa pilipinas at kahit “mabagyo” sa tamang “pasilidad” at tamang plano kaya kumita ng malaking pera. Kung sila nagagawa nila bakit tayo hindi? Marami din akong nakasalamuhang mga dayuhan na naniniwala na malaki ang oputunidad sa “argi-business” natin. Nagtataka ako at wala naman gusto magtanim at lahat pumupunta sa maynila? pagnakaipon na ako, dito na ako maninirahan sa pilipinas para hindi na ako muling lalayo pa. Mahal ko ang pilipinas kahit na hindi ako purong pilipino at naniniwala ako na gaganda din ang pilipinas kailangan lang natin pagtulong-tulungan at bigyan ng koti pang pagmamahal at ng tiyaga.

Comments are closed.