Jessy Mendiola muling nag-react sa isyu ng kanyang ‘pang-aagaw’: ‘Mas nakakatulog ako sa gabi na alam ko ‘yung totoo’

  • Para sa ika-40 na kaarawan ni Luis Manzano, gumawa sila ng asawang si Jessy Mendiola ng special vlog
  • Dito ay nagbasa sila ng “mean comments” sa social media tungkol sa kanilang dalawa at sa kanilang relasyon
  • Naungkat muli ang pagiging “mang-aagaw” ni Jessy at pagpaparatang sa kanya ng “gold digger” dahil sa relasyon kay Luis

Kamakailan ay ipinagdiwang ng actor-host na si Luis Manzano ang kanyang ika-40 na kaarawan. Kasama ang asawang si Jessy Mendiola, gumawa sila ng special vlog kung saan nagbasa sila ng “mean comments” tungkol sa kanilang dalawa mula sa social media.

Imahe kuha mula sa video ni Jessy Mendiola via YouTube channel

Bilang nasa showbiz pareho sina Luis at Jessy, hindi maiiwasan na masangkot sila sa iba’t ibang isyu lalo na at inamin ni Jessy na muntik na silang maghiwalay ni Luis dahil sa isang kaibigan na nakialam sa kanilang engagement proposal.

Kabilang sa mean comments na nabasa ng mag-asawa ay ang tungkol sa “publicity” umano ng kanilang pagpapakasal.

“Sinong magpapakasal para lang for showbiz. Teleserye ba ‘to?” natatawang tanong ni Jessy. Dinagdagan naman ito ni Luis ng, “Bakit magkaka-project ba kami together?”

Isa rin sa mga naungkat ng netizens ay ang ‘pang-aagaw’ umano ni Jessy kay Luis, kung saan may isang netizen na nag-comment ng: “Ang mang-aagaw #GoldDigger.”

Matatandaan na bago nagkaroon ng relasyon kay Jessy, ang pinakahuling naging nobya ni Luis ay ang aktres na si Angel Locsin.

Imahe kuha mula sa video ni Jessy Mendiola via YouTube channel

“I’ve been setting this record straight over and over again. I’ve been telling everyone about this, wala akong inaagaw. Mas nakakatulog ako sa gabi  na alam ko ‘yung totoo,” paglilinaw ni Jessy.

At para naman sa isyung siya umano ay “gold digger,” sinabi ni Jessy na dahil bata pa lang ay nagta-trabaho na siya at nakakaipon ng pera, ito rin ang dahilan kaya siya financially independent.

“Hindi rin ako umaasa kay Luis when it comes to money,” dagdag pa ng aktres.

Marami rin sa mga hindi magagandang komento ay tungkol sa kanilang naganap na intimate wedding noong nakaraang Pebrero. Saka lamang inanunsyo sa publiko ang kanilang kasal sa pamamagitan din ng vlog nitong Abril.

Panoorin ang buong video dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: