Janice de Belen inihalintulad ang dating na-link sa kanya na si Gerald Anderson sa ‘bangus na matinik’

Imahe mula Instagram
  • Sa isang panayam inihalintulad ni Janice de Belen ang dating na-link sa kanya na si Gerald Anderson bilang isang bangus
  • Ani Janice paborito niya ang bangus subalit ito ay matinik, tulad ni Gerald na maraming isyu
  • Matatandaan na na-isyu si Janice na dahilan umano ng hiwalayan nina Gerald at Maja Salvador na kanila namang itinanggi

Isa na marahil sa mga celebrity na hindi tinatantanan ng isyu ay ang Kapamilya aktor na si Gerald Anderson. Kaya naman hindi napigilan ng beteranong aktres na si Janice de Belen na ihalintulad ito sa isang bangus.

Imahe mula Instagram

Sa kanyang guesting sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN kamakailan, natanong si Janice kung sa anong pagkain niya maihahalintulad ang nakasama dati sa programang “Budoy” na si Gerald.

“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik. Matinik kasi parang ang daming isyu,” ani Janice tungkol kay Gerald na na-link sa kanya noong 2015. Matatandaan na lumabas ang isyu na si Janice umano ang dahilan ng hiwalayan noon nina Gerald at ng Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Nagkasama sa teleseryeng “Budoy” sina Janice at Gerald noong 2012 kaya naman natural lang umano sa kanila ang maging close. Ayon sa beteranong aktres, ang kanyang relasyon kay Gerald ay tulad ng pagkakaibigan niya sa mga aktor na sina Rayver Cruz at Enchong Dee.

Imahe mula Instagram

“I share the same kind of friendship with Enchong with Rayver. So I share the same kind of friendship. So non-issue siya but hindi ko alam kung bakit naging issue,” pagbabahagi ni Janice na itinanggi na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Maja.

Ikinuwento rin ni Janice na dahil sa lumabas na isyu ay nagbago ang pakikitungo niya kay Gerald. “Ang hirap sa trabaho natin kasi kapag na-tsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys frienship. Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed.”

Matatandaan na 2015 din nang humingi ng tawad si Gerald kay Janice dahil sa pagkakadawit nito sa breakup nila ni Maja. Sinabi rin ni Maja na parang isang ina kung ituring niya si Janice.