Ina ni Sue Ramirez sinabihan ang anak na pauuwiin ito sa Amerika kapag hindi nagtagumpay sa showbiz

  • Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam ang ina ni Sue Ramirez sa digital press conference ng upcoming movie
  • Dito ay nagbahagi ng iba’t ibang personal  na bagay ang ina ni Sue tungkol sa dalaga at kanilang relasyon
  • Inamin ng ina ni Sue na pinagsabihan niya ang anak na kung hindi ito magtatagumpay sa showbiz ay pauuwiin na lang ito sa Amerika

Nakilala ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez dahil sa kanyang ganda at galing sa pag-arte. Subalit kakaunti lamang ang nalalaman ng publiko tungkol sa kanyang personal na relasyon sa pamilya.

Imahe mula kay Sue Ramirez via Instagram

Kaya naman laking gulat niya nang pumayag ang kanyang ina na si Mrs. Chit Dodd na lumabas sa digital press conference ng upcoming movie na “Mommmy Issues.” Dito ay nagbahagi ang ina ni Sue tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ina.

Ayon kay Mrs. Dodd, kinatutuwaan si Sue sa kanilang pamilya dahil ito ang pinakabata. “She’s the apple of our family. She’s the youngest among the siblings and also among the cousin, so talagang apple of the eyes siya ng lahat.”

Pagdating naman sa pinansyal na bagay, sinabi ng ina ni Sue na hindi sila mayaman subalit hindi rin sila nakaramdam ng hirap. “We’re just in the middle of everything. Kasi lahat naman kami nagtatrabaho, and even she, lahat naman ng mga kapatid niya, walang umaasa sa kanya. So it’s up to her to manage her finances.”

Imahe mula kay Sue Ramirez via Instagram

Ngayon ay mag-isang namumuhay si Sue sa Pinas habang ang kanyang pamilya ay nasa Amerika. Kahit kanya-kanya sila ng buhay, sinabi ni Mrs. Dodd na nais pa rin niyang mamuhay na maging mabuting tao ang anak. “Make sure, honorable ka. Na you’re always on the right track.”

Sinabi rin ng ina ni Sue na binalaan niya ito na kung hindi magiging successful sa showbiz ay umuwi na lamang sa Amerika. “I hope maging successful ang field of industry na gusto niya. Kasi sabi ko, ‘Kung hindi ka maging successful, you can go to the States.'”

Imahe mula kay Sue Ramirez via Instagram

Kinumpirma rin ito ni Sue na pinagsabihan nga siya ng ina na ipapa-deport sa Amerika kapag hindi naging matagumpay sa piniling karera. Maluha-luha rin si Sue sa mga mensaheng natanggap mula sa ina.

Ang pelikulang Mommy Issues ay handog ng Regal Entertainment, Inc. para sa darating na Mother’s Day celebration. Mapapanood ito sa iba’t ibang streaming platforms simula May 7.

Mukhang masaya at kapupulutan ng aral ang kanilang bagong pelikula. Panoorin ang trailer.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: