
- Una nang sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi na makababalik sa traditional fact-to-face setup ang mga estudyante sa kolehiyo
- Ngunit kamakailan, nilinaw ng CHED na may posibilidad pang bumalik sa face-to-face classes ang mga estudyante kung ligtas ang classroom setup
- Ngayon ay ang policy ng “flexible learning” ang ipinatutupad ng mga kolehiyo sa bansa
“From now on, flexible learning will be the norm. There is no going back to the traditional, full-packed face-to-face classrooms. The commission has adopted a policy that flexible learning will continue in School Year 2021 and thereafter,” ito ang unang pahayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera sa isang webinar kamakailan.

Aniya, ang pagbabalik ng face-to-face classes na nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling mawala na ang pandemya ay isang napakalaking peligro lalo na kung magkaroon muli ng pandemya.
Sa panayam sa TeleRadyo nito lang, nilinaw ng CHED chairman na hindi nila tuluyang sinasara ang posibilidad ng pagkakaroon ng face-to-face classes sa kolehiyo. “Ang ibig sabihin ko lang ay ipagpapatuloy natin itong policy na ito [flexible learning] sa susunod na school year. Hindi tayo puwedeng magbukas ng full face-to-face [classes] pagdating ng Agosto kasi matindi pa ang pandemya.”
Dagdag pa ni De Vera, kapag nakita ng kanilang departamento na ligtas ang classroom setup sa mga piling kurso sa kolehiyo tulad sa medisina at sciences, siya mismo ang pupunta kay Pang. Duterte upang sabihin na maaari nang ipatupad ang face-to-face classes dahil ligtas ang mga estudyante.

“But if the evidence shows that they are not safe, I would not go to the president to ask. I will have to make sure it is safe first. That is what we will do if everything we’re doing were basing it on science, we’re basing it on facts,” ani pa ng CHED chairman.
Nabanggit din ni De Vera na sa mayayamang bansa tulad sa US, kinakailangan munang mabakunahan kontra COVID-19 ang mga estudyante bago makabalik sa eskuwela.
“In the future, kung medyo safe na, puwede nating payagan mag fact-to-face. Pero kailangan pa rin i-retrofit ang mga eskuwelahan: mayroon pa ring alcohol, washing area, may protocols. Para kung dumating ang susunod na pandemya, ligtas pa rin ang mga bata,” paliwanag ni De Vera.