
- Ibinahagi ni Ruby Rodriguez sa isang post (na ngayon ay deleted na) ang kanyang bagong trabaho habang nakabase sa Los Angeles, California
- Hindi man nagbahagi ng iba pang detalye, naka-pin ang kanyang post sa location ng Philippine Consulate General
- Ayon kay Ruby, nagtatrabaho siya ngayon upang may maitustos sa mga anak
Kilala si Ruby Rodriguez bilang isang aktres at matagal na co-host sa noon time show na Eat Bulaga. Pagkatapos lumabas sa mga teleserye at pelikula, lumipad si Ruby noong nakaraang taon kasama ang asawang si Mark Aquino at kanilang anak na si AJ papuntang United States upang muling makasama ang panganay na anak na si Antoinette Nicole.

Ang programang Owe My Love ang proyekto ni Ruby sa GMA at nakatakda sana siyang lumipad pabalik sa Pilipinas para sa lock-in taping subalit hindi na muli siya nakabalik. Hanggang kamakailan ay nagbigay siya ng update sa social media tungkol sa bago niyang trabaho.
Sa now-deleted Instagram post ni Ruby, ibinahagi niya ang selfie habang nakasuot ng face mask at makikita ang office background. Nilagyan niya ito ng caption na: “First day of new normal for moi #workinggirl # subwayislife.”
Hindi man nagbahagi ng iba pang detalye tungkol sa bagong trabaho, naka-pin naman sa location ng kanyang post ang Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Sa kanyang panayam sa GMA News, sinabi ni Ruby na nagtatrabaho siya upang may maitustos sa anak na si AJ na mayroong dyslexia. Sa comment section naman ng kanyang post ay binati si Ruby ng mga dating nakatrabaho tulad nina Pauleen Luna at Rhea Santos.
Ayon naman sa iniulat ng PEP, marami sa followers ni Ruby ang nagtataka sa kanyang pagkakawala sa Eat Bulaga.
“Kaya pala ‘di na siya nag Eat Bulaga. Titira na siya sa US,” ani ng isang netizen. “What I know is hindi siya umalis, Inalis siya. I felt really bad nung nalaman ko. But I’m happy for her,” komento naman ng isa.
Matatandaan na nakaiintriga ang sagot ni Ruby sa isang komento ng netizen noong September 2020 nang tanungin nito kung babalik pa ang aktres sa Eat Bulaga. “I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, Ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw wala! Bat Ganon?”
Sinagot ito ni Ruby ng, “sila tanungin mo.”
- Slot Demo PG Soft
- Slot Online 24 Jam
- Daftar Togel Hongkong
- Bandar Slot Gacor
- Togel Hongkong
- Bonus New Member 100
- Slot Pakai Dana
- Daftar Togel Pakai Dana
- Live Sdy Hari Ini