‘COIN-mmuni-TEA’ pantry inilunsad ng isang grupo: ‘As our way of helping ourselves to have a healthy body’

  • Hindi na lang isa kundi dalawa ang purpose ng community pantry na itinayo ng isang grupo kamakailan sa Quezon City
  • Tinawag na “COIN-mmuni-TEA pantry” maaaring kumuha rito ng mga barya at libreng tea na inumin
  • Ayon sa grupo, naisipan nila ang pamimigay ng libreng tea dahil sa magandang benepisyo na nabibigay nito sa katawan

“If they plan of putting up a community pantry, go ahead and inspire a lot of people. This is one way of bringing out the goodness in every Filipino,” ito ang nabanggit ni Karl Bartolata, miyembro ng non-profit organization na JuanSMILE, ang grupo sa likod ng isang community pantry sa Quezon City.

Imahe mula kay Karl Bartolata via Facebook

Hindi na lang limitado ang layunin ng community pantry na naglipana sa bansa dahil naisip ng grupo ni Bartolata na ilunsad ang tinawag nilang “COIN-mmuni-TEA pantry” sa kahabaan ng Visayas Avenue sa Quezon City.

Sa nasabing pantry, libreng makakakuha ng barya at inuming tea ang sinumang mapapadaan. Naniniwala umano ang grupo ni Bartolata na “every coin matters” at isa sa mga paraan upang mapanatili ang magandang kalusugan ng katawan ay ang pag-inom ng tea.

“Coins for your pamasahe and Tea para mas maging healthy” ang layunin ng nasabing pantry. Maaaring kumuha rito ng mga barya at hot o cold tea. Patuloy din na nagbibigay ng update sa kanyang Facebook si Bartolata tungkol sa COIN-mmuni-TEA pantry.

Imahe mula kay Karl Bartolata via Facebook

“As for the tea, we serve tea kasi sa office as our way of helping ourselves to have a healthy body,” ani pa ng JuanSMILE member.

Kamakailan ay sinabi niyang nadagdagan sa kanilang pantry ang pamimigay ng inumin na iced tea na pumatok umano sa panlasa ng masa.

“Walang halong biro,’masarap daw’ po. How about the COINS? Maraming tumigil at naghulog ng mga nakabalot na mga naipon nilang barya,” ani Bartolata.

Imahe mula kay Karl Bartolata via Facebook

Dahil sa suportang natatanggap, nagpasalamat ang grupong JuanSMILE sa mga Pinoy na patuloy na tumutulong. Hindi lang community pantry kundi marami pang proyekto ang nasabing grupo para makatulong sa mahihirap na Pinoy sa panahon ngayon.

“Again, thank you to every single person who shared time, energy and resources to keep this pantry going. Mabuhay po kayo! We will continue to serve.”

Ayan at proud silang ikinuwento ng kappamilya network.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: