Candy Pangilinan ikinuwento ang issue sa kanyang ex-husband: ‘Kasi totoong hindi ko bra ‘yun. Hindi talaga’

  • Trending sa YouTube ang one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Candy Pangilinan para sa Mother’s Day special
  • Dito tahasang ikinuwento ni Candy ang mga pinagdaanan niya sa dating asawa na iniwan siya pagkapanganak
  • Ikinuwento rin niya ang pambababae ng asawa at ang proseso ng kanyang pagtanggap sa lahat ng pangyayari sa buhay

“Ang hirap, pero ang sarap maging nanay…” —  ito ang nabanggit ni Toni Gonzaga sa Mother’s Day video sa kanyang YouTube channel na Toni Talks. Naging guest niya ang aktres at komedyante na si Candy Pangilinan na ibinahagi ang mga pinagdaanan sa kanyang married life at pagpapalaki sa kanyang anak na may special needs.

Imahe kuha mula sa video ni Tony Gonzaga via YouTube

Tahasang ikinuwento ni Candy kung paano siya iniwan ng asawa matapos niyang manganak sa anak nilang si Quentin. Kuwento ng komedyante, sampung taon ang relasyon nila ng non-showbiz husband niya bago nila naisipang magpakasal. Subalit nagkakaroon na sila ng problema bilang magkasintahan at lalo na noong sila ay ikasal.

“Before I gave birth, nandiyan pa naman siya, pero sinasabi niya sa akin na iiwanan niya ako. At least, nag-aabiso! In-inform niya ako,” pagbibiro pa ng aktres. Isa umano sa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang paratang ni Candy na mayroong ibang babae ang kanyang asawa.

“Even before kami kinasal, meron na akong mga nahuli. Pero kasi, ‘di ba, ‘yung babae, feeling mo people change? Feeling ko a baby will save it—so nabuntis ako—but no.” Isang buwan pagkatapos niyang manganak, nagpaalam umano ang kanyang asawa na maggo-golf lang subalit hindi na ito umuwi.

Imahe kuha mula sa video ni Tony Gonzaga via YouTube

“Hindi na siya umuwi. Baka nakalaban niya si Tiger Woods. Hindi ako na-inform,” pagbibiro ulit ni Candy na bagama’t maraming hirap na pinagdaanan noong nagdadalantao pa lamang hanggang sa manganak ay nananatiling matatag.

Inamin din ng komedyante na nagpatingin siya sa psychologist dahil sa paratang ng kanyang ex-husband na siya ay baliw.

“Sabi niya, ‘Baliw ka. Kasi pinaghihinalaan mo ako may babae.’ Sabi ko, ‘So, baliw ako?’ Kaya siya umalis dahil baliw ako. Pero feeling ko talaga, meron.”

Imahe kuha mula sa video ni Tony Gonzaga via YouTube

Ayon naman sa psychologist ni Candy, hindi umano totoo ang paratang ng kanyang dating asawa. “Hindi naman daw. Kasi totoong hindi ko bra yun. Hindi talaga, e,” natatawang kuwento ng komedyante.

Ibinahagi rin niya kung paano siya mas napalapit sa Maykapal at napagtanto na hindi na niya kailangan pang habulin ang asawa na nang-iwan sa kanila ni Quentin. Ikinuwento rin niya ang mga pinagdaanan ng isang solo parent na may anak na may special needs. Napuno ng tawa at iyak ang interview na ito ni Candy kasama si Toni.

Panoorin ang buong video dito:

‘Female Social Media Influencer award’ iginawad kay Candy Pangilinan ng Catholic Social Media Awards

Itinanghal na “Female Social Media Influencer” si Candy Pangilinan sa naganap na Catholic Social Media Awards kamakailan.

Naging malaking parte ng award ni Candy ang kanilang YouTube channel ng anak na si Quentin na mayroon nang mahigit 530K subscribers. Kasamang na-nominate ni Candy sa kategorya sina Mariz Umali at Dimples Romana.


Loading...
Source :

YouTube, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: