
- Kinumpiram ni Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawang si Kylie Padilla
- Ayon kay Aljur, naranasan nila ang problemang madalas na pinagdaraanan ng mag-asawa
- Matatandaan na noong Pebrero ay lumabas ang haka-haka ng hiwalayan nina Aljur at Kylie dahil sa mga social media posts ng aktres
Inilunsad kamakailan ang virtual story conference para sa upcoming movie ng Viva Films na “Nerisa” na pagbibidahan nina Cindy Miranda at ng kanyang leading man na si Aljur Abrenica. Sa conference na ito ay naungkat ang isyu ng relasyon ni Aljur sa asawang si Kylie Padilla.

Ayon sa Kapuso actor, totoong nagkaroon sila ng problema ni Kylie pagdating sa kanilang relasyon. “It was mismanaged,” pagkukumpirma ng aktor. Aniya, ang kanilang problema ay normal na pinagdaraanan ng mga mag-asawa.
“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanage namin,” ani ng aktor. Bagama’t kinumpirma niyang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Kylie, hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Aljur tungkol sa kung ano ang pinag-ugatan nito.
Sabi pa ni Aljur, ginagawa nila ni Kylie ang makakaya para sa ikabubuti ng kanilang pamilya lalo na ng dalawa nilang anak na sina Joaquin at Axl Romeo. Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag si Kylie.

Matatandaan na lumabas ang isyung hiwalayan nina Kylie at Aljur noong Pebrero dahil sa mga cryptic social media post ng anak ni Robin Padilla. Nawala rin sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kasama si Aljur.
Kasabay ng cryptic posts ni Kylie ay ang posts naman ni Aljur na nananalangin. “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity,” ani sa caption ni Aljur na pinasalamatan ang kapatid na si Vin Abrenica na nagsabi sa kanyang manalangin.
Natapos din ang haka-hakang naghiwalay sina Aljur at Kylie matapos magpost si Aljur ng kanyang birthday celebration na kumpleto ang kanyang pamilya. Bumalik na rin ang ilang larawan ni Aljur sa IG account ni Kylie.