Yam Concepcion sinagot na ang paalala ng netizens na mag-ingat kay Gerald: ‘Hindi ko naman kailangang mag-ingat’

  • Ayon kay Yam Concepcion, nabasa niya ang mga komento at paalala ng netizens tungkol kay Gerald Anderson
  • Sabi ni Yam, hindi niya kailangang mag-ingat kay Gerald dahil pareho silang professional sa trabaho at may tiwala sa isa’t isa
  • Inamin din ni Yam na noong una ay hindi sila naging komportable ni Gerald dahil hindi naman sila malapit sa isa’t isa

Lumabas noong Marso ang trailer ng pinakaaabangang bagong teleserye ng ABS-CBN na “Init sa Magdamag.” Pinagbibidahan ito nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman.

Imahe mula Instagram

Dahil sa mga intimate na eksena, binalaan ng netizens si Yam tungkol kay Gerald. Ani nila, karamihan sa mga naging leading lady ni Gerald ay kanyang nakarelasyon.

Netizens pinag-iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson

Sa eksklusibong panayam kay Yam kamakailan, sinabi niyang nabasa niya ang mga komento at paalala ng netizens tungkol sa kanyang leading man. “Honestly, hindi ko naman kailangan mag-ingat,” ani Yam.

Imahe mula Instagram

“Siyempre nakikita nila sa TV, sinasabi nila, ‘Naku, matinik sa babae ‘yan! Hindi loyal.’ Hindi, e. ‘Pag katrabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman. Hindi niya pinaramdam sa akin na may mali siya,” dagdag pa ng 32-anyos na aktres.

“It’s just purely work. Despite being purely work, naparamdam niya sa akin ‘yung emosyon na totoo. I still felt his honesty bilang si Tupe, ‘yung character niya.”

Unang beses na nagkasama sa proyekto sina Yam at Gerald ay noong 2011 sa pelikulang “Won’t Last A Day Without You,” subalit hindi naman umano sila naging malapit sa isa’t isa.

Imahe mula Instagram

Inamin ni Yam na noong una ay hindi pa sila komportable lalo na sa mga intimate scenes.

“Hindi pa kami ganoon ka-close. Nandoon pa ‘yung ilangan. Kinailangan namin na magkaroon ng 30 minutes with each other to get to know each other. May ganoon kami, kasi nakita nila na naiilang kami sa isa’t isa,” ani Yam.

Unti-unti umano ay nagkapalagayan sila ng loob dahil sa exercise na ipinagawa sa kanila ng kanilang direktor.

“Eventually, naging natural na lang ‘yung chemistry naming dalawa and we got comfortable with each other. Nakuha namin ‘yung trust ng isa’t isa. Kasi hindi naman ‘yan biglaan, hindi naman ‘yan isang araw lang, you trust the person already,” dagdag pa ng aktres.

Mapapanood na ang Init sa Magdamag sa darating na April 19 sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: