Ulap na hugis korona, namataan sa Oriental Mindoro: ‘God is reminding us to pray harder’

  • Namataan ng isang residente mula sa Oriental Mindoro ang kakaibang ulap na kung tawagin ay “cloud iridescence”
  • Hiwa-hiwalay at tila hugis korona ang mga ulap na kulay dilaw, nangyayari ito sa tuwing tinatamaan ng liwanag ang ice crystals
  • Para sa ilang netizen, mayroong ibang pahiwatig ang namataang mga kakaibang ulap

Normal na para sa maraming Pinoy ang makakita ng kakaibang cloud formation lalo na ngayong panahon ng tag-init. Marami na ring mga nakuhanang larawan ng iba’t ibang cloud formation ang nag-viral sa social media dahil sa nakabibighani nitong mga hitsura.

Imahe mula kay Jericho Vitto Olivay via Facebook

Kamakailan, agaw-pansin online ang larawan ng cloud formation na namataan sa Oriental Mindoro noong April 14, ang selebrasyon ng 500 years of Christianity dito sa bansa.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi sa Facebook ni Jericho Vitto Olivay mula Mansalay, Oriental Mindoro at ito rin ay ni-repost ng iba’t ibang news and media sites. Sa mga larawan ay makikita ang ang tila koronang hugis ng ulap na kung tawagin ay “cloud iridescence.”

“Nakita po namin ang ulap around 4:35 ng hapon. Una medyo parang apoy sya ng kandila, tapos after 5 minutes po siguro tsaka ko pa sya nakunan ng picture. Tumagal lang siguro ng mga 20 minutes yung formation po at kulay ng ulap,” ani Olivay.

Imahe mula kay Jericho Vitto Olivay via Facebook

Ang nasabing cloud formation ay namataan malapit sa simbahan ng Parish Church of St. Catherine of Alexandria. Ang cloud iridescence ay karaniwang nagaganap sa tuwing tinatamaan ng liwanag ang maliliit na ice crystals at water droplets sa himpapawid.

Kuwento pa ni Olivay, karaniwan na sa kanila ang makakita ng mga nakabibighaning cloud formation, “naa-appreciate ko lang ang masterpiece ng Diyos na kada araw nagbibigay ng iba’t ibang mga magagandang view sa langit. Natuwa ako na nataon ang pangyayari sa celebration ng 500 years of Christianity.”

Para naman sa ilang netizens, ang namataang cloud formation ay nagbibigay pahiwatig mula sa Maykapal. “God is reminding us to pray harder and back our belief to him. Society nowadays no longer believes the prayer and confuse about the existence of God!” ani ng isang netizen.

Imahe mula kay Jericho Vitto Olivay via Facebook

“It could be a sign from God because God showed us a rainbow when he would not flood the Earth no more so basically the pandemic virus also would be ending in that could be a sign yes,” ani naman ng isang nag-comment.

“Hindi po nakakalimot ang Diyos. Nakatutuwa rin po na marami sa atin ang tinitignan natin ang mga pangyayari sa kalawakan bilang isang mensahe mula sa Diyos na nasa positibong mga bagay tulad ng pagtatapos ng nararanasang pandemya,” ang mensahe naman ni Olivay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: