Toni Gonzaga inaming 2 beses tinanggihan ang papel bilang ‘Teddie’ sa pelikulang ‘Four Sisters and a Wedding’

  • Inamin ni Toni Gonzaga sa isang panayam na dalawang beses niyang sinubukang tanggihan ang karakter sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding”
  • Ayon kay Toni, nangangamba siyang hindi mabigyan ng hustisya ang karakter ni “Teddie Salazar” sa pelikula
  • Sa huli, napapayag din si Toni na gampanan ang karakter at hindi rin siya makapaniwala sa atensyon na natanggap ng pelikula

Isa na marahil sa pinaka-iconic na eksena sa pelikulang Pinoy ay ang madramang rebelasyon ng Salazar sisters sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding.” Pinagbidahan ito ng pinakamalalaking pangalan sa industriya na sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Coney Reyes.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN Star Cinema via YouTube

Isa si Toni sa mga gumanap sa Salazar sisters bilang si “Teddie.” Ang komprontasyon ng kanyang karakter sa kapatid nitong si Bobby, na ginampanan ni Bea, ang isa sa mga hindi malilimutang eksena sa pelikula.

Hanggang ngayon ay makikita pa rin sa mga social media ang eksena na ito, at madalas din itong gamitin bilang meme. Subalit sa likod ng madramang tagpo na ito ay si Toni na nag-alinlangan sa pagtanggap sa kanyang karakter.

Sa panayam kay Boy Abunda, inamin ni Toni na dalawang beses niyang sinubukang tanggihan ang papel bilang si Teddie sa Four Sisters and a Wedding.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN Star Cinema via YouTube

“Dalawang beses akong nagpunta kay Tita Malou (Santos) noon. I was begging off. Nakiusap ako, ‘Tita Malou, ‘di ko po ‘ata kaya. Nakakahiya po, baka ‘di ko maibigay ‘yung hinihingi,’” ani ng Kapamilya actress.

Ayon kay Toni, hindi umano niya nakikita ang sarili na gaganap sa madramang pelikula at tanging mga romantic-comedy film pa lamang ang kanyang nagagawa kumpara sa mga makakasamang artista sa pelikula.

“Syempre, kilala natin si Angel, action-drama queen. Bea, movie queen, drama queen. Lahat sila queen in their own rights. They are all best actresses at that time already. Eh parang ‘yung mga ginagawa ko nun, rom-com, rom-com. So, ano bang maibibigay ko?” pahayag pa ni Tony.

Subalit sa kabila ng pagdududa sa sarili, napapayag umano ni Malou Santos ang aktres upang mapasama sa pelikula.

Ayon kay Tony, hindi nila inaasahan ang atensyon na natatanggap ng pelikula. “Nagulat nga kami, ganun pala ‘yung pelikula. Noong time na ‘yun, ‘di namin iniisip na [pag-uusapan ang pelikula].”

Tara, mag-throwback tayo:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: