‘Thank you for doing life with me’: Netizen nakakita ng madamdaming love letter sa secondhand book na nabili

  • Makabagbag-damdamin ang ibinahaging kuwento ng isang netizen matapos makabili ng secondhand na libro
  • Sa bakanteng pages kasi ng libro ay mayroong love letter na taong 2017 pa isinulat
  • Maraming netizens ang naantig sa nasabing love letter dahil sa mga nabanggit ng manunulat, at marami rin ang mayroong katanungan

Isa na marahil sa mga bagay na hindi mawawala sa uso ay ang paggawa ng love letter para ibigay sa taong minamahal. Malawak ang sakop ng paggawa ng love letter. Kung dati ay isinusulat ito sa mga papel tulad ng stationary na mayroon pang mabangong amoy, ngayon ay maaari na rin itong gawin at ipadala via e-mail.

Imahe mula kay Mike Carvajal via Facebook

Hindi inakala ng isang netizen  na makatatagpo siya ng love letter sa pagitan ng mga bakanteng pahina ng secondhand na librong kanyang binili. Ang kuwento nito ay ibinahagi ng Facebook page na PhilSTAR Life.

Maituturing umanong “bookworm” o taong mahilig magbasa ng libro ang netizen na si Mike Carvajal. Nang makahanap siya ng secondhand na libro sa isang bookstore sa Cubao ay hindi niya inaasahang mas mapupukaw ng kanyang atensyon ang sulat-kamay na mensahe rito.

Ang secondhand book na nabili ni Mike ay ang “Sum Forty Tales from the Afterlives” ng author na si David Eagleman. Sa unang mga bakanteng pahina nito ay nakasulat ang love letter na may petsang 4-3-17 (April 3, 2017).

Imahe mula kay Mike Carvajal via Facebook

Ang nasabing love letter ay nakapangalan sa nagngangalang “Joey.” Sa mga nakasaad sa sulat, tila hiwalay na ang manunulat nito at si Joey.

“Believe me when I say that everything I have learned from us, (the good and the bad) both as individuals and as a couple has meant the world to me and will stay with me for the rest of my life.”

Nagpasalamat din ang gumawa ng love letter sa lahat ng pinagsamahan nila ni Joey. At sa huli, nakaaantig nang sabihin niyang “thank you for doing life with me.” Ang nasabing love letter ay isinulat ng nagngangalang “Christian.”

Imahe mula kay Mike Carvajal via Facebook

Maraming netizens ang naantig sa love letter at marami rin ang may katanungan, lalo na kung bakit hindi itinago ni Joey ang librong ibinigay sa kanya ni Christian, o kung natanggap ba niya ito. Sinubukan din umano ni Mike na hanapin si Joey o Christian gamit ang social media subalit nabigo siya.

“Your love story is intriguing! For a bookworm like me, a book with dedication is definitely for keeps! But it could also be that this book ended up in a thrift store because it got lost or whatever happened,” ani ng isang netizen.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: