Tatay na nabasa ng ulan at bigong makuha ang Php1,000 na ayuda nakatanggap ng tulong mula sa concerned citizens

  • Isang tatay ang pumila para sa Php 1,000 na ayuda ngunit nabasa na siya sa ulan, bigo pa siyang makakuha ng pera
  • Dahil malayo pa ang inuuwian niya, binalak niyang matulog na lang muna sa terminal at babalik sa pila kinabukasan
  • Ngunit nasuklian ang tiyaga niya nang gumawa ng paraan ang mga concerned citizens para matulungan siya

Kinahabagan sa social media ang isang tatay sa Bukidnon na pumila para sa ipinamamahaging Php 1,000 na ayuda noong April 21. Ngunit sa kasamaang palad, nabasa na siya sa ulan, bigo pa siyang makuha ang ayuda.

Imahe via Peter June A. Madjus | Facebook

Ang eksenang iyon ay nakunan ng larawan at in-upload sa Facebook ni Peter June A. Madjus. Makikitang nakatayo si tatay sa pila habang nababasa sa ulan dahil wala siyang payong.

Naawa si Peter at nanawagan sa nakakakilala kay tatay na mag-comment dahil nais nitong gumawa ng paraan para makatulong.

Agad namang may gumawa ng hakbang upang mahanap si tatay. May grupo ng magkakaibigan na nakita siyang naghihintay sa terminal. Hindi pa raw siya umuuwi dahil hindi pa nito nakukuha ang Php 1,000. Plano nitong matulog na lang daw muna sa terminal ng Malaybalay.

Ngunit marami ang nakipagtulungan para mabigyan si tatay ng maayos na matutulugan. May concerned citizen na kumuha sa kanya sa terminal at pinatulog siya sa lodge.

Imahe via Peter June A. Madjus | Facebook

Habang may nag-aasikaso sa kanya, dumagsa naman ang tumugon sa panawagan ni Peter. Bumuhos ang pinansyal na tulong mula sa mga nagmalasakit. Kinabukasan, ibinalita niya na nakalikom siya ng mahigit Php 55,000.

Dinala nila si tatay sa grocery para makapamili. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan, bumili din si tatay ng damit, pantalon, kumot at kaldero. At siyempre kasama rito ang raincoat at payong para hindi na siya mababasa pa sa ulan.

Hinatid na rin nila si tatay sa kanyang tahanan sa Valencia na halos isang oras ang layo mula sa Malaybalay.

Imahe via Peter June A. Madjus | Facebook

Umaapaw ang pasasalamat ni tatay sa lahat ng tumulong.

Tiniis niya ang pila para sa Php 1,000 na ayuda, ngunit naulanan na, nabigo pang makatanggap nito. Subalit ang determinasyon at tiyagang iyon para sa pamilya ay nasuklian ng mas higit pa. Malaki talaga ang naitutulong ng social media. Ngunit higit sa lahat, hindi rin ito mangyayari kung walang mga indibidwal ang nagmalasakit sa kanya. God bless the jolly givers.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: