‘Sinong mas tanga sa pag-ibig? Si Bea Alonzo!’ Ina ni Bea maraming ibinuking tungkol sa aktres

  • Sa kanyang latest vlog, maraming ibinuking ang ina ni Bea Alonzo tungkol sa personal na buhay ng aktres
  • Kabilang sa mga isiniwalat ng ina ni Bea ay ang kanyang pagiging kulelat pagdating sa pag-ibig
  • Kasama ni Bea at ng kanyang ina sa nasabing vlog ang kanyang nakababatang kapatid na si James Carlos

Nasa mahigit 1.4 million views na ngayon ang latest vlog ng aktres na si Bea Alonzo kung saan ay kasama niya ang kanyang ina na si Mary Ann Ranollo at ang kanyang nakababatang kapatid na si James Carlo.

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Sa vlog ay ginawa ng tatlo ang “Who’s Who” kung saan ay nilublob ng ina ni Bea na si “Madam M” ang ulo ng sinuman kina Bea at James na pasok sa description na ipinakita. Ang maliit na palanggana kung saan nilublob ang kanilang mga ulo ay naglalaman ng tubig at ice.

Bago pa man magsimula ang laro ay nagbigay na ng paalala si Madam M sa kanyang dalawang anak, “basta mahal ko kayong dalawa, ha. Walang samaan ng loob!” natatawang sabi ng ina ng aktres.

Sa mga unang ibinigay na description ay parating si Bea ang nailulublob ang ulo sa palanggana. Kabilang na sa mga nabuking ay ang pagiging tamad umano sa gawaing bahay ni Bea at pagiging makalat sa gamit. Subalit bukod rito, siya rin ang pinili ng ina nang tanungin kung sino ang naging mabuting mag-aaral.

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Nang mapunta naman sa katanungan na “Sinong mas tanga sa pag-ibig?” dali-dali itong sinagot ni Madam M ng, “jusko, si Bea Alonzo! Guys, si Bea Alonzo ‘yun! ‘Di ba antanga?” aniya habang tumatawa at inilublob ang ulo ni Bea sa palanggana. Agad namang pina-‘next’ ni Bea ang katanungan upang makaiwas sa pagbubuking ng ina.

Kabilang pa sa mga naibuking tungkol kay Bea ay ang madalas niya umanong pagiging late na umabot pa sa puntong naiwan na umano silang mag-iina ng eroplano. Subalit nilinaw naman ni Bea na pagdating naman sa trabaho ay hindi siya nale-late.

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Isa pa sa mga nakaaaliw na pamba-bash ni Madam M tungkol kay Bea ay ang pagiging malihim umano ng aktres, “especially sa katangahan niya.” Ibinuking din niya ang malakas na paghilik ni Bea lalo na umano kapag pagod ito galing trabaho.

Panoorin dito ang nakaaaliw na video upang malaman ang iba pang ibinuking tungkol kay Bea:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: