Shoemaker na si Jojo Bragais, kauna-unahang Pinoy footwear sponsor sa gaganaping 69th Miss Universe pageant

  • Lubos ang naramdamang tuwa ng Pinoy designer at shoemaker na si Jojo Bragais nang ianunsyo ng Miss Universe organization na siya ang magiging partner nila para sa footwear ng mga kandidata
  • Inaasahang nasa 150 hanggang 200 na mga sapatos ang gagawin ni Bragais na susuutin ng Miss U candidates
  • “Walk. Win” ang tagline ng nasabing shoemaker

Sa darating na May 16 ay magaganap na ang prestihiyosong 69th Miss Universe competition sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA. Ngayon pa lang ay nagsisimula na ang mga activities ng mga kandidata at ang promotion ng nasabing pageant.

Imahe mula Facebook

Bukod sa kinatawan ng ating bansa na si Rabiya Mateo, kamakailan ay inanunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) na isang Pinoy ang magiging partner nila para sa mga susuoting sapatos ng mga Miss U candidates.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng Miss U Organization na ang Pinoy shoemaker at designer na si Jojo Bragais ang magiging official footwear sponsor sa nasabing pageant.

“All of our delegates walk with purpose, strength and in their own unique stride. Presenting the official footwear sponsor of the 69th MISS UNIVERSE competition Jojo Bragais, who empowers women to ‘Walk. Win,'” ani sa post ng MUO.

Imahe mula Facebook

Ayon naman sa inilabas na artikulo ng Philippine Entertainment Portal, labis umano ang naramdamang tuwa ni Bragais at napaluha sa kagalakan dahil sa anunsyo ng MUO. Kilala si Bragais sa local at international pageantry scene at maski sa showbiz dahil sa mga nagawa nang sapatos na isinuot ng mga tanyag na celebrities.

“I am grateful for the Miss Universe organization for the trust they have given Bragais. They made my dream possible by becoming the first Pinoy footwear partner for the pageant,” pahayag ng shoemaker sa ABS-CBN.

Imahe mula Facebook

Nakatakdang gumawa si Bragais ng 150 hanggang 200 pairs ng mga sapatos na susuotin ng mga kandidata. “We’re scheduled to leave late April for Florida for the pageant preliminaries preparations and to interact with the candidates. All the shoes to be used by the candidates should be transported in advance, ideally by May 5.”

Matatandaan na isa si Bragais sa naging parte ng Philippines team noong Miss Universe 2018 kung saan nakuha ni Catriona Gray ang korona.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: