Riders binalaan: P15,000 na orders sa iba’t ibang delivery apps, hindi sa may-ari ng bahay at sa address na nakalagay

  • Binalaan ng mga concerned citizens ang mga delivery rider na huwag kumuha ng order mula sa isang lokasyon sa Quezon City
  • Sa hindi matukoy na dahilan, may mga order na nakapangalan sa isang “Harold Agustin” at naka-address sa “15 Masigasig Street, Barangay Pinyahan, QC
  • Nitong Sabado ay may P15,000 na halaga ng fake orders sa iba’t ibang delivery apps para sa nasabing lugar

Sa hindi malamang dahilan, sunod-sunod na nagdatingan ang mga delivery rider sa isang lokasyon sa Quezon City dahil sa mga order na nakapangalan sa isang “Harold Agustin” at naka-address sa “15 Masigasig Street, Barangay Pinyahan, QC”. Dala ng habag sa mga rider, nag-post ang isang concerned citizen para magbigay ng babala sa mga posible pang mabiktima sa hinaharap.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, binalaan ng social media user na si Zandro Nonato ang mga delivery rider na huwag munang tumanggap ng order mula sa nasabing lokasyon sapagkat nitong Sabado lamang ay may P15,000 na halaga ng fake orders na para sa nakatira roon.

“Please be aware po. Sa lahat ng food delivery riders diyan, i-block n’yo na po ang 15 Masigasig Street, Barangay Pinyahan,” ani Nonato. “Name ni ‘Harold Agustin’ po ang ginagamit pero hindi po siya ang nag-order. Ginagamit lang po ‘yong address at name nila. Pa-share na lang din po. P15,000 po lahat ng order.”

Magkakahalong pagkadismaya, galit, at awa ang lamang ng comments section ng post na mayroon nang lampas 52,000 reactions at 54,000 shares na, as of posting.

“Sana magawan man lang ng paraan para ma-trace kung sino ‘yang nanti-trip na ‘yan,” ani Kholeen Mclin.

“Kawawa naman ang mga rider. Ang dami nilang naloko,” wika ni Shunjin Baybayan Xiamarz Bañaga.

“Sobra kayo sa mga rider,” kumento ni Angel Competente. “Hindi n’yo ba alam kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga ‘yan? Nagbibilad sa arawan, nababasa ng ulan, may napakain lang sa pamilya.”

May mga nag-alok din na bumili ng mga nasabing food item, habang ang iba ay nakiisa sa pagpapakalat ng mensahe para makarating pa sa mas maraming rider ang tungkol sa mga pekeng order.

Image captured from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: