Randy Santiago masayang nakabalik sa hosting: ‘Ang mga hosts na kinukuha ngayon, puro mga bata na’

  • Lubos ang pasasalamat ni Randy Santiago na makababalik na siya sa hosting pagkatapos ang halos walong taon
  • Si Randy ang isa sa magiging main host ng pinakabagong singing game show ng TV5 na “Sing Galing”
  • Ayon kay Randy, isa sa mga rason ng paglipat niya sa TV5 ay ang offer sa kanya upang maging host, kalimitan umano ay mga batang host na ang kinukuha

Sa tagal na sa industriya ni Randy Santiago ay nasubukan na niya halos ang lahat ng papel na maaaring gampanan ng isang showbiz personality: aktor, komedyante, indie actor, singer, at host.

Imahe mula Instagram

Subalit dumarating sa punto na karamihan sa mga pinakasikat na personalidad noon sa showbiz ay unti-unting nawawalan ng mga proyekto dahil na rin sa kanilang edad at sa dami na rin ng mga bagong pangalan na pumapasok sa showbiz.

Bilang isang beteranong aktor at host, malaki ang pasasalamat ni Randy na muli siyang nabigyan ng pagkakataon na maging host para sa pinakabagong singing game show ng TV5 na tatawaging “Sing Galing.”

Sa kanyang panayam sa Philippine Entertainment Portal kamakailan, ibinahagi ni Randy ang kanyang tuwa sa offer na ibinigay ng TV5 at Cignal.

“Tuwang-tuwa siyempre for me to be hosting again, dahil alam mo naman ang mga hosts na kinukuha ngayon, puro mga bata na, eh,” ani Randy.

Imahe mula Instagram

“Para maatasan iyong katulad ko to host another show, parang ipinagkatiwala sa akin, talagang very grateful to the station for giving me the opportunity to do this. Iyong mga nalalaman ko through the years, ibubuhos ko talaga dito,” dagdag pa niya.

Matatandaan na isa si Randy sa mga judges ng “Tawag ng Tanghalan” segment sa programang It’s Showtime ng ABS-CBN. Ang pinakahuli umano niyang regular hosting stint ay noon pang 2013 ng TV5 noontime show, Wowowillie, na nagtagal lamang ng sampung buwan.

Makakasama rin ni Randy sa Sing Galing bilang hosts sina K Brosas at Donita Nose. Kasalukuyan na silang nasa lock in taping at mapapanood na ang unang episode ng Sing Galing ngayong April 5.

Unang umere ang Sing Galing sa TV5 noong 1998 hanggang 2001 bilang isang weekly show kasama ang hosts na sina Ai-Ai Delas Alas at Allan K.


Loading...
Source :

Facebook, PEP, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: