Plantitos and plantitas unite! Community “planTree” matatagpuan na rin sa Cavite City

  • Hindi rin pahuhuli ang mga mahihilig sa halaman matapos ilunsad kamakailan ang tinawag na “community planTree”
  • Dito ay libreng makakakuha ng mga halaman at ilang gamit sa pagtatanim
  • Bukod sa halaman, binabalak din nilang mamigay ng fruit at vegetable plants sa nasabing community pantry

Tuloy-tuloy pa rin ang paglipana ng community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Hindi na rin bago sa maraming Pinoy ang nangyayaring “diversity” sa community pantry dahil hindi lang naman ang ordinaryong mamamayan ang nangangailangan ng suplay, at hindi lang mga pagkain ang ipinamimigay.

Imahe mula sa C&K’s Garden via Facebook page

Kamakailan, inilunsad ng isang grupo sa lungsod ng Cavite ang tinawag nilang “community planTree” dahil imbes na mga suplay ng pagkain, mga halaman at ilang kagamitan sa pagtatanim ang libreng makukuha rito.

Ang nanguna sa nasabing community pantree ay si Carlos Gonzales at kanyang mga kasosyo sa negosyo nilang C&K’s Garden. Ayon kay Gonzales, naisipan umano nilang ilunsad ang “planTree” upang maiba naman sa tradisyonal na community pantry at makatulong na rin sa kalikasan.

Imahe mula sa C&K’s Garden via Facebook page

“Para maiba naman po nag-isip kasi kami paano makakatulong this pandemic na related sa business po namin… Then, in-invite po namin yung mga ibang sellers ng plants dito sa Cavite City para dumami ang donation po pati na rin ang mga suki namin na mag-donate po sila ng plants,” ani Gonzales sa kanyang panayam sa bayan Mo, Ipatrol Mo.

Sa unang araw ng pagbubukas ng kanilang community planTree, wala pa umanong 15 minuto ay dinagsa na sila ng mga plantito at plantita at naubos agad ang mga halaman na kanilang inilagay. Nasa 150 piraso umano ng iba’t ibang uri ng halaman tulad ng succulents, herbal at indoor plants ang libreng naipamigay.

Tiniyak din na ang mga pumilang residente ay nakasuot ng face mask at nakapila nang maayos. Mayroon ding mga nakapaskil na papel na naglalaman ng mga benepisyong ibinibigay ng halaman sa kapaligiran lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.

Imahe mula sa C&K’s Garden via Facebook page

Bukod sa halaman, nakakuha rin dito ng libreng fertilizers, plant pots at basket. Katulad ng konsepto ng community pantry, nanawagan sila sa mga kukuha ng halaman na kunin lamang ang kaya nilang alagaan. Ang pagtatanim kasi ng mga halaman ay hindi basta-basta, kinakailangan nito ng sapat na atensyon at oras.

Ayon sa grupo, sa susunod na linggo muling magbubukas ang community planTree dahil mag-iipon muli sila ng mga halaman na ipamimigay. Pinaplano rin umano nilang mamigay ng fruits at vegetables plants.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: