Paolo Bediones muling mapapanood sa telebisyon, inaming kinakabahan pagkatapos mawala ng 5 taon

  • Muling mapapanood ang host na si Paolo Bediones sa news program ng TV5 Network
  • Aminado si Paolo na kinakabahan siya sa pagbabalik sa telebisyon matapos mawala nang limang taon
  • Taong 2016 nang talikuran ni Paolo ang showbiz upang tapusin ang master’s degree at umpisahan ang ilang mga negosyo

Isa na marahil sa mga naging highlight sa karera ni Paolo Bediones bilang host ay ang programang “Extra Challenge” ng GMA Network. Mula 1999 hanggang 2006 ay si Paolo ang naging main host ng nasabing reality competition show.

Imahe mula kay Paolo Bediones via Instagram

Nagkaroon pa ng ilang hosting career si Paolo tulad ng Survivor Philippines (2008) hanggang sa lumipat siya sa TV5 Network noong 2009. Bagama’t nasangkot saisang isyu ay nagtuloy-tuloy pa rin ang karera ni Paolo bilang host hanggang napagpasiyahan niyang talikuran ang showbiz noong 2016.

“I took a break from television in 2016 to pursue my Masters in Entrepreneurship at the Asian Institute of Management,” kuwento ni Paolo sa kanyang panayam sa PEP. “That was what pushed me to start different business ventures in construction, television production and food service,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ng limang taon, muling magbabalik telebisyon si Paolo bilang isa sa mga host ng programang Frontline Sa Umaga ng TV5. Aniya, matagal niyang ipinagdasal sa Maykapal na magkaroon muli ng proyekto hanggang sa alukin nga siya ni Luchi Cruz Valdes ng TV5 upang maging host sa nasabing programa.

Imahe mula kay Paolo Bediones via Instagram

“For years, I have been praying for the right opportunity to return to television, but I guess God had other plans for me back then,” ani pa ni Paolo. Subalit gaano man siya kasabik sa pagbabalik telebisyon, inamin din niya na kinakabahan siya sa muling pagiging host, “I haven’t felt this nervous for quite some time.”

Bukod sa pagbabalik telebisyon, isa sa mga source of joy ngayon ni Paolo ay ang adopted daughter nila ng fiancée na si Lara Morena.

“Lara and I always end our prayers asking God to bless our intentions: To be able to start our own family and to be a blessing to so many others.”

Imahe mula kay Paolo Bediones via Instagram

Kuwento niya, hindi sila nagdalawang-isip na ampunin ang anak nila ngayon na si Avery.

“Avery was 6 months when she started staying with us and after a few weeks, the connection was instant and deciding to adopt her was just so natural. There were no long conversations or debates, we just smiled and nodded at each other as if to say ‘Let’s do this.'”

Mapapanood na ang Frontline sa Umaga simula May 3 sa TV5.


Loading...
Source :

PEP, GMA Network

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: