Pampa-good vibes: Cute dogs na mahilig manood ng video sa cellphone at magaling umarte

  • Naitampok sa programang “AHA” ang mga cute na alagang aso na mayroong unique personalities
  • Ang isang aso kasi ay mahilig manood ng videos habang ang isa ay magaling magtampu-tampuhan at ang isa ay nahihilig sa pag-arte
  • Ayon sa mga pag-aaral, normal na magkaroon ng ganitong klaseng personalidad ang mga aso 

Karaniwan sa mga alagang aso ang pagiging malambing sa kanilang mga amo. Subalit bukod pa rito, mayroon din silang ibang personalidad kaya’t lalo silang kinahuhumalingan ng kanilang fur parents.

Imahe mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel

Sa programang “AHA” ng GMA Network, naitampok nila ang ilan sa mga cute pet dog na may unique personalities na kinaaaliwan hindi lang ng kanilang mga amo kundi pati na rin sa social media.

Ang 2-year-old Golden Retriever na si “Rhapso” (short for rhapsody) ay may kakaibang ikinikilos—mahilig siyang manood ng videos sa gadgets at TV ng kanyang amo!

“Actually bata pa lang siya napapansin na namin na mahilig siyang manood ng TV. Napapansin namin every time na nanonood ‘yung mga bata sa tablet nakikisilip siya. Kinukuha niya ‘yung phone,” ani Khendee Benedicto, pet owner ni Rhapso. Nagagalit din umano ang Golden Retriever sa tuwing nahihinto ang videong pinapanood dahil nawalan ng Internet.

Imahe mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel

Ayon naman sa pag-aaral, maaari umanong ma-attract ang mga aso sa panonood sa TV at mga gadgets dahil nakaaagaw sa kanilang atensyon ang mga tunog. Subalit sa panonood, dalawang kulay lang ang nakikita ng mga aso dahil sila ay mayroong “dichromatic vision,” ito ay ang kulay yellow at blue.

Bukod kay Rhapso, naitampok pa ang dalawang alagang aso na tila mga artista dahil sa galing nila sa pag-arte. Nakuhanan ng kanyang amo ng video ang asong si “Odie” habang ito ay nagtatampu-tampuhan at hindi pinapansin ang mga sumusuyo sa kanya.

Imahe mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel

“Ayaw po niyang magpahawak sa kamay, super dedma siya sa aming tatlong sumusuyo,” kuwento ni Wendy Bonaverte, fur parent ni Odie. At kung si Odie ay tampu-tampuhan lang sa mga amo, ang Shih Tzu naman na si “Basha” ay tila may iba’t ibang facial expression.

Kuwento ng amo ni Basha na si Grace Parasdas, anim na taon na ang alagang aso subalit parang baby pa rin ang hitsura nito. Sa dami umano ng nagagawang expression ni Basha, ang pinaka kinaaaliwan nila ay ang galing niyang magtulog-tulugan na may kasama pang paghilik!

Panoorin ang buong episode rito. I-CLICK lang ang imahe para mapanood ang video

I-CLICK lang ang imahe para mapanood ang video

Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: