
- Napag-alaman ng vlogger na si Basel Manadil ang tungkol sa viral delivery rider na naging biktima ng fake bookings
- Nalungkot ang vlogger tungkol sa kuwento ng panloloko dahil mahirap ang hanapbuhay ng mga delivery rider lalo na sa panahon ngayon
- Upang makatulong sa mga delivery rider, umorder ng pagkain ang vlogger at ang mga rider na nag-deliver sa kanya ay binigyan niya ng cash rewards
Talamak ngayon ang mga fake bookings online. Dahil dito, maraming delivery rider ang hindi lamang nagiging biktima kundi maski ang kanilang kabuhayan ay nagdurusa dahil lamang sa mga taong nais makapanloko.

Kamakailan, nag-viral ng isang Grabfood delivery rider matapos siyang maging biktima ng fake booking na umabot ng P15,000. Hindi lamang ito ang unang beses na nangyari ang fake booking. Sa kasamaang-palad, matagal na itong nangyayari at patuloy pa rin na mayroong mga nanloloko.
Nakaabot sa vlogger na si Basel Manadil na kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” ang kuwento tungkol sa Grabfood delivery rider na naloko ng fake booking.
“It made me feel disappointed,” ani ng vlogger na nakikita umano ang hirap ng mga delivery rider sa paghahanap-buhay.
“Riders who drive everyday kahit mainit, kahit late at night, kahit early in the morning just to deliver food to our houses and make us feel comfortable, make us feel privileged even though we are at home,” nabanggit ni Basel sa kanyang vlog.
Kaya naman upang makabawi sa kanilang maghapong trabaho, sinurpresa niya ang ilang delivery riders na naghatid sa kanya ng pagkain.

Gamit ang iba’t ibang delivery app, umorder ang Syrian vlogger ng iba’t ibang pagkain na kanya ring ibibigay sa mga tauhan. Naglagay ng hidden cameras ang vlogger sa paligid ng kanyang Korean store sa Las Piñas.
Isa-isang dumating ang delivery riders dala ang inorder ng vlogger, at mayroon sa kanila ang nakakilala sa Syrian at nakipagkuwentuhan. Subalit mas marami sa kanila ang nagulat dahil sa ibinigay sa kanila ni Basel.

Sobra-sobrang tip kasi ang ibinigay ni Basel sa mga delivery rider na kanyang na-book. Marami ang hindi makapaniwala at sinabing ang napapanood lang nila noon sa social media ay naranasan na rin nila.
“To all the riders, on behalf of everyone I just want to say thank you for making our lives easier especially for people who need your services. Salute po ako sa inyo and always drive safe! Mabuhay po kayo,” ani Basel.
Panoorin dito ang buong video: