Nostalgia: Bago nauso ang mobile games, nakapaglaro ka rin ba sa Y8 at Girls Go Games?

Images via y8.com and girlsgogames.com
  • Kabilang ang Y8 at Girls Go Games sa mga online gaming site na sikat na sikat noon sa mga kabataan
  • Sa Facebook, binalikan ng marami ang mga gaming website na nagpasaya sa kanila noon
  • Matatandaang naging sobrang popular ang mga free-to-play website na kagaya nito noong panahong hindi pa uso ang mobile games

Bago nauso ang mga mobile games, una nang naging libangan ng marami ang mga sumikat na online gaming site noon katulad ng y8 at girlsgogames.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng isang user ang isang screenshot mula sa Twitter na nagpapakita dalawa sa mga popular free-to-play website na tinangkilik nila noon, ang Y8 at Girls Go Games. Saad ng nag-tweet, “Life used to be so good back in 2007.”

Agad na nag-iwan ng komento ang mga naka-relate sa nasabing post. Bagama’t pareho pa rin gumagana ang mga website na ito ngayon, nakapaghahatid na ito ng nostalgia sa mga “young once” na wala nang oras para sa mga ganito o matagal nang hindi nabibisita ang mga ito.

“Super old school! Those were the days,” saad ng Facebook user na si Izzati Daud.

“Barbie dress up games! LOL! I miss those days,” kumento ni Syeda Neha Hassan.

“Nag-aagawan pa tayo sa paglalaro ng Papa’s Pizzeria at Burgeria,” sabi naman ni Jaja Tangalin na nang-tag pa sa comments section ng post.

Matatandaang sikat na sikat ang Girls Go Games sa mga kababaihan noon dahil sa iba’t ibang klase ng dress-up games, cooking games, at design games na maaaring malaro rito. Samantala, sobrang popular naman ng Y8 sa mga kabataan noon dahil sa mga arcade at iba pang classic game katulad na lamang ng most played brower game dito na Bubble Shooter.

Image captured from Facebook

Ikaw, nakapaglaro ka rin ba sa mga gaming websites na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!