
- Kamakailan ay ibinahagi nina Janella Salvador at Markus Paterson ang screenshot ng netizens na kumu
tya sa anak nilang si Baby Jude - Nakatanggap ng pamba-ba
shmula sa ibang netizens ang isang netizen na kabilang sa mga nakuhanan ng screenshot na may hindi magandang nasabi tungkol sa sanggol - Nagbigay naman ng kanyang “apology letter” ang netizen na ito para kina Janella at Markus
Maraming netizens ang hindi natuwa matapos ibahagi ng celebrity couple sina Janella Salvador at Markus Paterson ang mga screenshot ng netizens na kumutya sa itsura ng kanilang limang buwang na sanggol na si Baby Jude.

Kabilang sa mga hindi magagandang nasabi tungkol sa sanggol ay: “Jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang yan” at “makasalanan ang mga tao kaya may ipinanganak na ganyan.”
Dahil naka-share sa social media ang pamba-bash sa kanilang anak, agad itong nakarating kina Janella at Markus na hindi naman pinalagpas ang pagkakataong punahin ang netizens na kumukutya sa kanilang anak.
“For the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfill that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all, since I have your names,” ani Markus sa isa niyang Tweet.

“Your humor must be really f*** up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” ang buwelta naman ni Janella.
Marami rin ang pumanig sa mga magulang ni Baby Jude at pinangaralan ang netizen na si “Gabriel,” isa sa mga naghayag ng hindi magagandang salita tungkol sa sanggol.

Dahil sa mga “receipts” na screenshot ng kanyang pamba-bash kay Baby Jude, humingi ng kapatawaran si Anunciacion at nagbahagi ng kanyang “apology letter” kina Janella at Markus. Ang nasabing apology letter ni Anunciacion ay deleted na ngayon sa Facebook subalit mayroong mga nakakuha ng screenshots.
“I’ve learned from this mistake and I will be a better person and be more mindful of what I say or do, and carefully what is right and other people’s sentiments as well as may it be on social media or not. I realized that I have hurt a lot of people’s feelings, especially the parents of Jude. I am sincerely sorry for the hate that I’ve said, and hopefully this will reach the people I hope to aplogize to.”