Namataan sa palengke na tila mga ‘astronaut’, kinabiliban ng netizens dahil sa lubos na pag-iingat laban sa COVID

  • Viral ngayon sa social media ang larawan ng dalawang babae habang namamalengke sa Pasay
  • Bukod kasi sa face mask, imbes na face shield ay nakasuot ng tila pangtaas na space suit ang mga babae
  • Ang tila “space suit” pala na ito ay tinatawag na “air purifying respirator” na nagkakahalaga ng nasa P22-26,000 bawat isa

Umabot na sa mahigit 800,000 ang naging kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos ang sunod-sunod na nasa mahigit 9,000 na naitalang bagong kaso simula noong nakaraang linggo.

Imahe mula kay Tramer Bernaldez Nastor via Facebook

Extended na rin ang enhanced community quaratine sa NCR bubble at hindi pa tiyak kung matatapos na nga ito sa darating na April 11. Sa ngayon ay puro essential travel at essential workers lamang ang pinapayagang lumabas sa kanilang bahay ng mga lugar na nasa ilalim ng NCR bubble.

Dahil maituturing na essential travel ang pamamalengke upang bumili ng mga pagkain at grocery, limitado lamang na tao kada pamilya ang pinapayagan na lumabas upang mamalengke.

Hindi maiiwasan na makahalubilo ng iba’t ibang tao lalo na sa palengke. Dahil mataas ang tsansa na maaaring ang makahalubilo mo ay positibo sa COVID-19, doble ang pag-iingat ng mga Pinoy na pumupunta ngayon sa palengke.

Imahe mula kay Tramer Bernaldez Nastor via Facebook

Kamakailan ay nag-viral ang larawan ng dalawang babae habang namamalengke dahil sa kakaiba nilang mga suot. Ang tila mga “astronaut” na ito ay mayroong suot na pangtaas na space suit na may kasama pang portable oxygen.

Ang mga larawan ay ibinahagi ng netizen na si Tramer Bernaldez Nastor sa kanyang Facebook post. Aniya, kasalukuyan siyang nasa Dampa Seaside sa Pasay City nang mamataan ang dalawang ale na tila mga astronaut na dahil sa suot na mala-space suit.

Imahe mula Facebook

Kuwento ni Tramer, nasa tatlong beses o higit pa namamalengke ang dalawang babae na nakasuot ng face mask at hazmat hood habang may dalang respirator. Ang kanila palang mga suot ay tinatawag din na “powered air purifying respirator” na nagkakahalaga ng nasa P22-26,000 kada isa.

Marami namang netizens ang bumilib sa pagdodoble-ingat ng mga nasabing babae, bagamat ginawan naman ng katatawanan ng iba ang mga nasabing larawan dahil sa hindi nila ito batid o dahil hindi ito karaniwang nakikita.

“Almost 25k ang [respirator], just to protect themselves from virus, kung may pambili ako, why not! Karaniwan gumagamit nito ay doctors, maybe they are, or talagang well off sila,” ani ng isang netizen.

“That breathing apparatus cost a lot and that would be our future PPE. Once we couldn’t cope with the pandemic in the coming years or so… Let’s start SAVING so we all have this to every member of our FAMILY,” ani naman ng isang netizen.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: