Mayor Isko Moreno nabakunahan na ng Sinovac; governors at mayors sa ‘high risk areas’ maaari nang bakunahan kontra COVID-19

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno
  • Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na siya ay nabakunahan na kontra COVID-19
  • Mismong si Vice Mayor Honey Lacuna ang nagturok ng unang dose ng Sinovac vaccine kay Mayor Isko
  • Kinumpirma naman ng IATF na papayagan nang mabakunahan ang mayors at governors na nanunungkulan sa ‘high-risk areas’

Bukod sa medical frontliners, military personnel, at mga senior citizen, maaari na ring sunod na mabakunahan kontra COVID-19 ang mayors at governors na nanunungkulan sa mga lugar na maituturing na “high risk,” ayon na rin sa inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) kamailan.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno

“A letter request was sent by the League of Provinces signed by the President of the League of Provinces. The letter requested the President to consider having all governors and all local chief executives or mayors be considered as frontliners under category A1 to be allowed to be vaccinated,” ani National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

“This request was endorsed by the President to the IATF and the IATF yesterday April 3, 2021) decided to initially allow Mayors and Governors in high risk and critical areas,'” dagdag pa niya.

Kasabay nito ay inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na natanggap na niya ang unang dose ng Sinovac vaccine. “Bakunado na po ako!” ani mayor sa kanyang Facebook post kasama ang hashtag na “Vaccine Nation is the Solution.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno

Mismong si Manila City vice mayor Honey Lacuna-Pangan ang nagturok kay Mayor Isko ng kanyang COVID-19 vaccine. Bukod sa pagiging politiko, isa ring doktora si Vice Mayor Honey na una nang naturukan ng Sinovac noong Marso.

Ang pagbabakuna kay Mayor Isko ay naganap sa Pres. Sergio Osmeña High School sa Tondo. Nakatakdang matanggap ni Mayor Isko ang second dose ng kanyang bakuna pagkalipas ng apat na linggo.

Mayor Isko hinikayat ang mga Pinoy na magpabakuna: ‘Gustong-gusto ko na magpabakuna ng Sinovac. I will wait for my turn’

Matatandaan na bago pa mabakunahan ng Sinovac, isa na si Mayor Isko sa mga naghikayat sa frontliners na magpabakuna noong dumating na ang donasyon mula sa China.