Manny at Jinkee Pacquiao mas gustong maging artista ang anak na si Jimuel kaysa maging boksingero

  • Sa isang panayam, sinabi ni Jimuel Pacquiao na mas pabor ang kanyang mga magulang na pasukin niya ang showbiz industry
  • Kabilang ngayon si Jimuel sa mga bagong talent ng Star Magic at ng grupong “Squad Plus”
  • Ayon sa binata, hinanda na niya ang sarili sa pagpasok sa showbiz pati na rin ang mga haharaping intriga, subalit hindi pa raw siya handa na magkaroon ng ka-loveteam

Pormal nang inanunsyo bilang pinakabagong miyembro ng grupong “Squad Plus” ng Star Magic ang anak ni boxing champ Manny Pacquiao na si Emmanuel Pacquiao Jr., o mas kilala bilang si Jimuel Pacquiao.

Imahe mula Instagram

Sa panayam sa panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, sinabi ni Jimuel na sarili niyang desisyon ang pagpasok sa showbiz. “They always say na when you are young, always try everything. So naisipan ko na subukan kasi even in high school I had experience din naman when it comes to acting so I want to give it a try and see how it goes from here.”

Inamin din ng 20-anyos na aktor na mas pabor ang kanyang mga magulang sa pagpasok niya sa showbiz. Matatandaan na sinubukan ni Jimuel ang pagiging boksingero tulad ng kanyang ama. Taong 2019 nang maganap ang kanyang kauna-unahang amateur fight kung saan nanalo siya via KO.

Imahe mula Instagram

“They’re very supportive naman kasi kung papapiliin sila, showbiz or boxing, siyempre du’n sila sa showbiz kasi ayaw nila akong mag-boxing,” pahayag ni Jimuel. Subalit bago umano niya pasukin ang showbiz, siniguro ng kanyang mga magulang na ito talaga ang nais niyang gawin.

“They made sure in the beginning na I really wanted to go in kasi it’s very taxing daw schedule-wise.” Dagdag pa ng baguhang aktor, pagdating sa mga tsismis at intriga na hindi nawawala sa showbiz, nakasanayan na niya umano ito dahil sa naging kasikatan ng ama.

Imahe mula Instagram

“Medyo sanay na ako ngayon kasi ever since kahit nung maliit pa kami, grabe na yung attention sa dad ko. And marami ding nagko-comment on social media about us. So siguro I’m used to it na. I try to parang balance it out, what I show to people.”

Sa ngayon ay ayaw pa umano munang magkaroon ng ka-loveteam ni Jimuel at nais niyang mag-focus sa sarili, “I still have a lot to work on and I’m still a newbie here so easy start muna and then work myself up.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: