Maine Mendoza humingi ng dispensa sa kanyang old Tweets na nahalukay ng netizens: ‘It was my careless self talking’

  • Humingi ng kapatawaran si Maine Mendoza sa social media dahil sa mga nasabi niya sa kanyang lumang tweets noong hindi pa siya artista
  • Ayon kay Maine, may ilang hindi raw natuwa sa kanyang mga lumang tweet kaya naman humingi siya ng dispensa
  • Marami namang netizens ang nagtanggol sa kanya at humanga dahil sa ginawang pagpapakumbaba

Taong 2015 hanggang 2016 ang tinaguriang “Year of the AlDub,” ito kasi ang mga panahon na labis na tinutukan ng mga Pinoy ang kuwento ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga.

Imahe mula Instagram

Bago pa nakapasok showbiz, unang nakilala si Maine bilang si “Yaya Dub” dahil sa mga nakaaaliw niyang Dubsmash videos. Dahil sa Kalyeserye, lalong nakilala ng publiko si Maine hanggang sa minahal na rin siya at naging ganap na aktres, model, at singer.

Pagkatapos ng limang taon, nananatili pa rin si Maine bilang host ng Eat Bulaga kasama si Alden. Pero hindi tulad noon, wala na ang kanilang tambalan at nananatili na lamang silang matalik na magkaibigan.

Kamakailan, muling naging usap-usapan si Maine dahil umano sa kanyang mga lumang tweets sa Twitter na nahalungkat ng ilang netizens kung saan ay nakapagbitaw siya ng hindi magagandang salita sa mga nakakabangga niya noon sa Twitter world.

Imahe mula Instagram

Nahalungkat din ang ilang prangkang tweets ng aktres patungkol sa mga karibal ng kanyang iniidolo at iba pang isyu. Dahil dito, humingi ng dispensa si Maine kamakailan gamit din ang Twitter.

“Hi tweeps! I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago. Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then. It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry,” ani ng Eat Bulaga host.

Imahe mula Twitter

Inamin din ni Maine na sa pagdaan ng panahon ay mas naging mature siya lalo na sa pag-iisip, kaya naman hindi na siya ang dating personalidad na nagbitaw noon ng hindi magagandang salita sa social media.

“Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words – and how it would affect the people around me,” dagdag pa ng aktres.

Marami namang fans ang ipinagtanggol siya at hinangaan sa pagiging mapagkumbaba at pag-aamin ng kanyang mga kamalian.


Loading...
Source :

Twitter, Twitter, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: