‘Magandang Buhay’ momshies Karla, Jolina, at Melai magsasama-sama sa bagong pelikula

  • Unang nakilala ang trio host na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros sa morning talk show na “Magandang Buhay”
  • Hindi na lang sa talk show mapapanood ang nakaaaliw nilang interaksyon sa isa’t isa dahil magsasama-sama ang tatlo sa bagong pelikula
  • Bukod sa pamagat, wala pang ibang detalye na inilabas tungkol sa pelikula pero tiyak na nakaaaliw ito dahil sa mga inilabas na larawan ng tatlo

Taong 2016 nang mag-premiere ang morning talk show sa ABS-CBN na “Magandang Buhay” kung saan agad na nag-click ang tambalan ng tatlong hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros.

Imahe mula Instagram

Nakilala sa tawagan nilang “momshies,” napuno ng kasiyahan, drama, at mga aral sa buhay pamilya at relasyon ang usapan ng tatlong hosts kasama ng kanilang mga guests. Marami ang naka-relate kina momshies Karla, Jolina, at Melai dahil sa mga ibinabahagi nilang real-life stories at experiences.

Ngayon, hindi na lamang sa programa mapapanood ang tambalan ng tatlong momshies dahil magsasama-sama sila sa isang pelikula na may pamagat na “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin!” ayon na rin sa inilabas na anunsyo ng direktor nito na si Easy Ferrer.

Imahe mula Instagram

“MONDAY MADNESS: Lunes pa lang pero pang-Biyernes na ang pagod? ‘Wag magagalit, dahil bukas pagod ka ulit!” ang inilagay na caption ng direktor sa larawan nina Karla, Jolina, at Melai habang tila galit na nagsasagutan sa isang eksena. Kapansin-pansin din ang makukulay nilang damit na nangangahulugan na comedy ang pelikula.

Sa kanilang mga Instagram account ay naglabas din ng teaser photos sina momshies Jolina at Melai. “Friends are the family you choose na walang halong echos. Bardagulan kung mag-awayan, pero kung magbati hindi na mapaghiwalay ‘yan!” ang inilagay pang caption.

Imahe mula Instagram

Ayon sa inanunsyo ng Pinoy Big Brother Big Winner na si Melai, mapapanood na ang “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin!” sa darating na May 28 sa online streaming site na KTX.PH at sa iba pang digital streaming platforms tulad ng iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV at Cignal PPV.

Ito ang kauna-unahang pelikula kung saan magsasama-sama sina Karla, Jolina, at Melai. Una silang nagkasama bilang celebrity contenders sa Season 1 ng  “Your Face Sounds Familiar” bago naging hosts ng “Magandang Buhay.”

Kaabang-abang na pelikula!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Easy Ferrer (@easyferrer)


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: