Lola’s love: Netizen nakuhanan ng litrato ang masayang mukha ng lola habang pinipicturan ang apo

  • Pinusuan ng libo-libong netizens ang larawan na nakuhanan ng isang netizen sa park sa Leyte
  • Makikita kasi sa larawan ang masayang mukha ng isang lola habang kinukuhanan ng litrato ang kanyang apo
  • Naghatid ang nasabing larawan ng lola at kanyang apo ng good vibes sa mga netizens at marami rin ang nakaalala sa kanilang mga lola

Tunay ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng ating mga lolo at lola. Marami sa mga Pinoy ang lumaki sa kanilang mga lolo at lola kaya minsan ay mas malapit sila sa mga ito kumpara sa kanilang mga magulang.

Imahe mula kay Donald Siegfred Bilbao via Facebook

Lagi ring inaalala ng mga netizens ang mga magagandang bagay na ginagawa ng kanilang mga lolo at lola: ang pag-aabot ng pera na palihim, ang pagluluto sa kanila ng mga paboritong pagkain, at pagpapatulog sa kanila tuwing tanghali.

Nag-viral kamakailan ang mga larawan ng lola at kanyang apo matapos itong umani ng mahigit 42,000 likes na karamihan ay heart react. Ang nasabing mga larawan ay kuha ni Donald Siegfred Bilbao mula sa Maasin City sa Leyte.

Sa mga nasabing larawan, makikita ang nakangiting lola habang kinukuhanan ng litrato ang kanyang apo gamit ang smartphone. Ayon sa uploader na si Donald, ang mga larawan ay kuha sa Maasin City Bayview Park.

Imahe mula kay Donald Siegfred Bilbao via Facebook

Kuwento ni Donald, kinuhanan niya ng larawan ang maglola dahil naantig siya sa nasaksihan.

“Naisipan kong kuhain ng photos kasi pagkakita ko masaya po silang nagkukuha ng litrato. Naisipan ko yung lola ko nung bata pa ako ganyan din kami,” ani uploader sa kanyang panayam sa Philippine Star.

Marami ring netizens ang naantig sa mga larawan at na-miss ang kanilang mga lola.

“Hays salamat may nakita rin akong good vibes sa news feed ko. Kahit mahirap ang buhay masaya lang tayo lola. God bless po,” ani ng isang netizen.

“Sana nandito pa mga lolo at lola ko,” ani naman ng isa.

Imahe mula Facebook

Ni-repost naman ng National Quincentennial Committee, Republic of the Philippines ang mga larawan na kuha ni Donald sa maglola dahil ang nasabing parke kung saan sila namataan ay ang kabubukas lamang na historical marker sa Leyte.

“The pedestal looks familiar. The National Quincentennial Committee is honored to add something at the Maasin City Bayview Park for our kababayans to enjoy and behold: the quincentennial historical marker for Leyte (here it is concealed yet from the public). The said memorial was officially inaugurated on 4 April 2021,” ayon sa FB page ng NQC.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: