Lola ‘pinaulanan’ ng pera ng kanyang mga anak at apo para sa ika-87 na kaarawan

  • Kakaiba ang naisip na paraan ng mga kaanak ng isang lola mula Tagaytay upang ipagdiwang ang kanyang ika-87 na kaarawan
  • Imbes na ‘money cake,’ binigyan ang lola ng payong kung saan nakasabit ang iba’t ibang peso bill na nagkakahalaga mula P20 hanggang P1,000
  • Naisipan nilang bigyan ang lola ng peso bills dahil tila lumalakas umano ito kapag nakatatanggap ng pera

Ano nga ba ang magandang ibigay na regalo para sa ating mga lolo at lola?

Sa panahon ngayon, mahirap nang makabili ng mga maipangreregalo dahil sa banta ng COVID-19, kaya naman umisip ng iba’t ibang paandar ang mga Pinoy para sa “new normal” na pagdiriwang ng kaarawan.

Imahe mula kay Aldrik Gohel via Facebook

Sa Tagaytay, isang lola na nagdiwang ng kanyang ika-87 na kaarawan ang naisipan ng kanyang mga kapamilya na handaan ng kakaibang selebrasyon na malayo sa pangkaraniwan nilang ginagawa.

Ayon kay Aldrik Gohel, isa sa mga apo ni Lola Francesca, napagkasunduan nila ng kanyang pamilya na bigyan ng payong si lola para sa kanyang kaarawan. Subalit hindi lamang ito pangkaraniwang payong dahil naglalaman ito ng surpresa.

“Dahil nga po sa pandemic, hindi na lang po kami naghanda. Ang ginawa na lang po namin, ‘yung pera pang gastos sana panghanda, nilagay namin sa payong para maiba,” kuwento ni Aldrik.

Imahe mula kay Aldrik Gohel via Facebook

Sa video na kanyang ibinahagi sa Facebbok, makikita si Lola Francesca na excited na binuksan ang pahabang kahon kung saan nakalagay ang payong. Nang buklatin niya ito ay tumambad sa kanya ang mga paper bills at confetti.

“Worth P10,000 po ‘yung pera with P500, P1000, P100 and P20 bills,” dagdag pa ng uploader. Naisipan umano ng kanyang mga anak at apo na ito ang ibigay bilang regalo kay Lola Francesca dahil kakaibang “lakas” umano ang nararamdaman ng 87-anyos kapag nakatatanggap ng salapi.

Imahe mula kay Aldrik Gohel via Facebook

“Mababaw po kasi ang lola namin, lumalakas ‘pag nagkakapera,” ani Aldrik. Dagdag pa niya, ang mga pera na inilagay sa payong ay mula sa mga anak at apo ni Lola Francesca na mula pa sa Amerika.

“Idea po ng tita namin na bunsong anak niya po, since nauso po ‘yung pera sa cake, payong po ang ginawa niya with confetti,” ani pa ng uploader.

Makikita naman sa video ang labis na kasiyahan ni Lola Francesca at naiyak din siya sa sobrang galak.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: