Karen Davila sinagot ang netizen na tumawag sa kanyang ‘ipokrita’ dahil wala raw siyang reaksyon sa nangyari kay Angel Locsin

  • Isang netizen ang pumuna kay Karen Davila at sinabihan siyang “ipokrita” dahil wala umano itong reaksyon sa nangyaring insidente sa community pantry na inilunsad ni Angel Locsin
  • Hindi naman pinalagpas ni Karen ang basher at sinagot ito nang mahinahon
  • Aniya, nagbigay siya ng reaksyon sa iba niyang social media at hinahangaan niya si Angel dahil inako nito ang mga nangyari

Kilala ang batikang journalist at broadcaster na si Karen Davila dahil sa kanyang tapang at mapanuring pagtatanong tungkol sa mga isyu sa lipunan. Kaya naman nang tawagin siya ng isang netizen na “ipokrita,” hindi ito pinalampas ng batikang broadcaster.

Imahe mula Instagram

Kamakailan ay nagbahagi si Karen ng Bible verse sa kanyang Instagram account, “God has not given us a spirit of fear; but of power and of love  and of a sound mind—2 Timothy I:7.” Bagama’t marami ang positibong komento sa kanyang post, mayroong nag-comment dito patungkol sa isyu na kinaharap ng aktres na si Angel Locsin.

Ayon sa komento ng username na @lanloyg, “Wala ka bang sasabihin tungkol kay @therealangellocsin? LUMABAS BA PAGKA IPOKRITA MO KAREN DAVILA?”

Nabasa naman ito ng ABS-CBN reporter at nagbigay ng kanyang reply.

Imahe mula Instagram

Ayon kay Karen, mayroon siyang post sa social media patungkol sa insidenteng naganap sa community pantry na inilunsad ni Angel Locsin nang ipagdiwang nito ang ika-36 na kaarawan. Matatandaan na mayroong isang lolo na sumakabilang-buhay habang nakapila sa nasabing community pantry ni Angel.

“Please open my FB and Twitter. I posted my admiration para kay @therealangellocsin for her humility and taking responsibility for the death of Tatay,” ani Karen. Dagdag pa niya, lalo umano niyang hinangaan ang aktres dahil sa naging pagtugon nito sa pangyayari at sa pag-aako niya sa mga naganap.

Imahe mula Facebook

“Perhaps you can ask me first before judging. I have FB, Twitter, IG and Lyka now. God bless you,” ani pa ng broadcaster. Dahil sa komento ng basher, nakatanggap rin ito ng mga hindi magagandang salita mula sa ibang netizens.

Lubos naman ang paghingi ng tawad ni Angel dahil sa nangyari kay Tatay Rolando dela Cruz, 67.  “Habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila. Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po siyang ama at maayos niyang napalaki ang mga anak nya.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: