
- Ipinaliwanag ng nakatatandang kapatid ni Mayor Vico Sotto ang dahilan kung bakit hindi pa siya nababakunahan
- Ayon kay LA Mumar, kung ang nanay niyang si Coney Reyes at mismong si Vico ay dumaan sa tamang proseso, iyon din ang kanyang ginawa
- Sinabi rin niya na hindi lamang ang kanyang mga anak at mga tao ang nagmamasid sa kanyang kilos kundi maski ang Maykapal
Pinag-usapan sa social media kamakailan ang naging pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa pagpapabakuna ng kanyang ina na si Coney Reyes. Bagama’t senior citizen na ang 67-anyos na si Coney at mayroon pa itong comordities, hindi naman umano ito nabigyan ng “special treatment” sa pagbabakuna kontra COVID-19.

“‘Wag po tayong mainip, nanay ko nga mismo, ‘di pa nababakunahan. Walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso, nag-fill up siya ng form. Ito pong ginawa natin, by schedule,” ani Pasig City mayor.
Ang pahayag na ito ni Mayor Sotto ay pinatunayan din ng kanyang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa umano nababakunahan dahil sumusunod sila sa tamang proseso ng pagpapa-schedule.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni LA Mumar, nakatatandang kapatid ni Mayor Sotto, ang screenshot ng pahayag ng kanyang kapatid tungkol sa pagbabakuna sa Pasig.

“I rarely post anything political but to all of you asking/wondering why my wife and I have not been vaccinated yet since my brother is a mayor,” ang pambungad na caption ni Mumar, kilala bilang coach ng Ateneo women’s basketball team.
“My mom didn’t skip the line, Vico didn’t skip the line, why would I?” Dagdag pa niya, kahit pa sabihing nakasalalay ang buhay sa pagiging una sa pagbabakuna ay hindi ito dahilan upang humingi ng “special treatment.”
“Shouldn’t we hold on to our values more, when things are difficult? What will I tell my children? It’s ok to do something illegal because it’s convenient?” ani pa ng Ateneo coach.
Sinabi rin niya na bilang kapatid ng isang politiko, marami ang nagmamasid sa kanyang mga kilos, “…people around are watching and most importantly God is too.”

Sa huli ay nag-iwan siya ng mensahe sa mga kapwa Pinoy, “I’m not a mayor like my bro, but we can do our part and choose what is right . One person, one family at a time. There is hope for our country!”
Marami namang netizen ang humanga sa kung anong mga klaseng tao sina Vico at LA. “Coney Reyes deserves a medal for raising her children well. May your tribe increase Madam,” ani ng isang netizen.