
- Saka lamang nakakuha ng ho
spital bed ang isang matandang COVID-19 patient noong wala na ito - Tatlong araw matapos yu
mao, nakatanggap ng mensahe ang kaanak niya na may bakante nang kama - Ayon sa kapamilya ng pasyente, ilang lungsod at probinsya na ang naikot nila at napakarami nang tao ang tumulong para maghanap ng o
spital ngunit wala silang nakuha
Huli na nang dumating ang kama para kay Ina, ito ang hinaing ng mga naiwan ng isang matandang COVID-19 patient na saka lamang nakakuha ng hospital bed noong wala na ito.

Sa Facebook, ibinahagi ni Jayson Gaspar Maulit ang nakapanlulumong sinapit ng kanilang pamilya nang tamaan ng sakit ang isa sa kanila.
“Hindi naman daw over capacitated ang mga ospital. Functioning naman daw ang healthcare system. The situation isn’t as bad as media say it is daw. Excellent and world-renowned responses daw. Well, ‘di ako sure, ha. But yehey, we finally got a bed at one of the hospitals we called for when Ina Daling needed it last Thursday. A bed is now available for her—three days after she died,” wika ni Jayson sa kanyang viral post na nakakuha ng mahigit 21,000 shares at lampas 63,000 reactions, as of writing.
Sa screenshot na ibinahagi ni Jayson, mababasa ang isa sa pinakamalulungkot na bagay na mababasa sa isang social media post, “Tumawag sa akin ‘yong Calamba Doctors. May bed na raw for Ina. Wow. ‘Di ko in-expect ‘yung sakit.”
Halo-halong emosyon ang matatagpuan sa comments section ng nasabing post; maging sa caption ng mga taong nag-share nito ay iba-iba rin ang nangingibabaw na emosyon. May mga nalulungkot. May mga dismayado. May mga napopoot. Mayroon ding mga napapatanong kung gaano katagal pa kaya magiging ganito ang situwasyon.
Pagbabahagi ni Jayson, nang makitaan ng sintomas ang matanda noong Huwebes, April 1, ay agad silang naghanap ng ospital. Ngunit sa kabila ng pag-iikot sa ilang probinsya at panghihingi ng tulong sa mga kakilala ay bigo silang makahanap ng tutugon sa pangangailangang medikal nito.
