‘Home Pantry’: Kumuha batay sa ambag sa gawaing bahay

  • Kinaaaliwan ngayon sa social media ang post ng isang netizen na mayroong kakaibang version ng “community pantry”
  • Tinawag na “home pantry” ang mga kasama sa bahay ang maaaring kumuha ng mga supply dito tulad ng mga sitsirya, kendi, at inumin
  • Subalit ang mga kukuning supply ay nakadepende sa ‘ambag’ sa gawaing bahay

Ilang linggo na ang nakararaan subalit nagpapatuloy pa rin ang impluwensiya ng community pantry na inumpisahan sa Maginhawa, Quezon City. Naging mainit na usapin din ito sa bansa dahil sa mga kaakibat nitong isyu at malawakang epekto nito sa lipunan.

Imahe mula Facebook

Naglipana na rin ang iba’t ibang bersyon ng community pantry na hindi na lamang nanatili sa iisang layunin. Nagkaroon na ito ng sanga-sangang misyon subalit iisa pa rin ang hangarin: ang makatulong sa kapwa at maipamalas ang ‘bayanihan’ sa bansa.

Kalimitang sa labas makikita ang mga inilunsad na community pantry. Matiyagang pumipila rito ang mga nais kumuha habang patuloy na naglalagay ng mga pagkain at supply ang mga nais na tumulong.

Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan—ito ang layunin ng mga community pantry. Subalit maaari din palang ipatupad ito sa loob ng mga tahanan. Tulad na lamang ng ibinahagi ng isang netizen tungkol sa kanyang naisipang sariling bersyon ng community pantry.

Imahe mula kay Pau Gelacio via Facebook

Kinaaaliwan online ang tinawag na “home pantry” ni Pau Gelacio mula Cabanatuan City, Nueva Ecija kung saan makikitang naka-display ang iba’t ibang pagkain sa kanilang kabinet at maski sa loob ng refrigirator.

Subalit hindi tulad sa commmunity pantry na maaaring kumuha ang kahit sino sa supply, may kapalit ang mga nais kumuha sa kanyang “home pantry.”

Ayon sa caption ni Gelacio, “me to my masisipag na kapatid: ‘KUMUHA BATAY SA AMBAG SA GAWAING BAHAY.'”

Imahe mula kay Pau Gelacio via Facebook

Nakadepende sa mga “ambag” na gawaing bahay ang pagkuha sa home pantry. At pagbibiro ng kanilang ate/financer, “pasensyahan na tayo pero mukhang magkakagutoman tayo ngayon. Pero feeling ko ma-eexpire lang mga pagkain na’to,” na ang tinutukoy ay ang bihirang pagtulong sa gawaing bahay ng mga kapatid.

Ayon sa panayam kay Pau na siya umanong bumibili ng kanilang mga grocery sa bahay, nais niyang maging seryoso ang mga kapatid sa gawaing bahay.

“Usually, ang mga kapatid ko po ay not motivated to do household chores kaya I thought of a way to make our gawaing bahay a little fun.”

Maganda nga namang idea ‘yan! Goodluck!  ^_^


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: