Hollywood reality-star na si Khloe Kardashian, naka-like sa ilang Instagram post ni Maja Salvador

  • Marami ang namangha kabilang na si Maja Salvador nang matuklasan na naka-like sa ilang post niya ang isang Hollywood celebrity
  • Ang celebrity na ito ay si Khloe Kardashian, isa sa mga reality star ng “Keeping Up with the Kardashians”
  • Naka-like si Khloe sa isang larawan at video na inupload ni Maja sa kanyang Instagram account

Nakamamanghang makita ang ilang mga local at international celebrities na nagkakaroon ng interaction sa social media. Karamihan kasi sa mga celebrity na ito ay fan girl o fan boy din ng isa’t isa.

Imahe mula Instagram

Subalit paano kung out of nowhere ay mayroong nag-follow o nag-like sa iyong mga social media post na isang sikat na sikat na celebrity na wala namang kahit na anong connection sa iyo?

Ganito ang naranasan kamakailan ng aktres na si Maja Salvador matapos ma-like ng isang Hollywood personality ang ilan sa kanyang Instagram post.

Mayroong mahigit 9 million followers sa Instagram ang aktres na si Maja Salvador na ngayon ay bahagi na ng TV5 Kapatid network. Mayroon din siyang YouTube channel na mayroong 1.28 million subscribers.

Imahe mula Instagram

Bagama’t kilalang-kilala si Maja dito sa Pinas at ng mga Pinoy na nasa ibang bansa, ikinagulat niya nang malaman na naka-like sa isa niyang Instagram video at picture ang Hollywood reality star na si Khloe Kardashian.

Unang napag-alaman ito ni Maja matapos siyang i-tag sa mga Instagram story na nagpapakita ng screenshots na naka-like sa kanyang IG video at photo si Khloe. Kinumpirma ito ng Kapatid actress: “woah! Legit nga! Siya nga talaga nag-like!” ang caption ni Maja sa isa niyang IG story.

Imahe mula Instagram

Aktibo ang “Keeping Up with the Kardashians” actress sa kanyang Instagram account na mayroong 137 million followers. Kung titignan ang mga social media account na pina-follow ni Khloe ay hindi rito kabilang si Maja. Kaya naman palaisipan para sa marami kung paano nito natagpuan ang IG account ng aktres.

Sa ngayon ay mapapanood si Maja sa kanyang kauna-unahang teleserye sa TV5 na “NIÑA NIÑO.” Tungkol din sa teleseryeng ito ang mga na-like na IG post ng Hollywood star.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: