
- Isang ginang mula sa Palawan ang dadalhin na sana sa o
spital upang doonmanganak - Ilang minuto bago pa narating ang pampang, napaanak na ang ginang habang nasa bangka sa gitna ng dagat
- Ipinangalan naman ang anak batay sa mga tumulong na bumbero upang tagumpay na maisilang ang sanggol
Isa na marahil sa mga problema na kinahaharap ng mga Pinoy na nasa malalayong probinsya o liblib na lugar ay ang pahirapan sa pag-access ng agarang pangangailangan tulad ng serbisyong medikal.

Karamihan ay kinakailangan pang bumiyahe nang umaabot sa oras upang marating ang pinakamalapit na ospital sa bayan. Subalit hindi rin madali ang pagbiyahe para sa mga Pinoy na nasa malalayo at liblib na lugar dahil may pagkakataon na walang transportasyon.
Napalilibutan ng mga karagatan ang isla ng Palawan, kaya naman isa sa mga pangunahing transportasyon dito ay ang pagsakay ng bangka. Kamakailan, ang bangka ang sinakyan ng isang ginang na malapit nang magsilang upang marating ang ospital sa isang bayan sa Palawan.
Ibinahagi kamakailan ng Cuyo Fire Station mula sa Cuyo, Palawan, ang mga larawan ng ginang na si Rose Merry Garcia, 39-anyos, habang ito ay napaanak sa bangka na bumabaybay sa gitna ng karagatan.

Mula si Garcia sa Sitio Pamitinan, isang village sa Lubid, at ayon sa kuwento ay nasa labor na ito nang isakay sa motorized boat upang dalhin sa kalapit na isla kung saan matatagpuan ang pinakamalapit na ospital.
Subalit 15 minuto bago marating ang pampang ay napaanak na sa bangka si Garcia. Agad naman siyang tinulungan ng mga tauhan ng Cuyo Fire Station upang ligtas at matagumpay niyang mailuwal ang kanyang baby girl.

Kalaunan, pinangalanan ni Garcia ang kanyang sanggol na anak ng “Fira,” nangangahulagan ng “fierce and bravery” hango sa mga bumbero na tumulong sa panganganak ni Garcia.
Marami namang netizens ang humanga sa mabilis na pag-aksyon ng mga bumbero upang tagumpay na maisilang ang sanggol. Habang may ilang netizen naman ang nagtatanong dahil sa gitna ng dagat isinilang ang sanggol, ano ang magiging “birth place” ni Baby Fira?