Gate na matatagpuan sa isang bahay sa Orani, Bataan, agaw-pansin online dahil sa kakaibang disenyo nito

  • Agaw-pansin online ang gate ng isang residente mula Orani, Bataan
  • Ang gate kasi na ito ay may disenyo na mula sa mga piraso ng lumang sewing machine
  • Ayon sa may-ari ng gate, naisipan niyang gawin ito dahil sa kanyang hilig sa mga lumang gamit, mayroon din siyang ibang proyekto na ginagawa tampok ang iba pang lumang bagay

Kanya-kanya ng hilig ang mga tao, minsan ang nakadepende ito sa kung ano ang kanilang kinahuhumalingan, libangan, o koleksyon. Mayroong mga taong mahihilig sa vintage o lumang mga bagay. Bukod kasi sa classic nitong hitsura, tumataas din ang halaga nito sa pagtagal ng panahon.

Imahe mula kay Rod Aris Reyes Lopez via Facebook

Isa ang netizen na si Rod Aris Reyes Lopez sa mga mahihilig at kolektor ng vintage o lumang mga bagay. Subalit imbes na gawin itong dekorasyon sa loob ng bahay, sa labas niya ito ibinalandra: sa mismong gate ng kanilang bahay.

Mula si Rod sa  Barangay Pantalang Bago, Orani sa Bataan. Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang agaw-pansin na gate ng kanilang bahay dahil sa kakaiba nitong disenyo—mga lumang piraso ng sewing machine.

Kuwento ng uploader, ang mga sewing machine na ikinabit sa kanilang gate ay ibinigay sa kanya, habang ang iba naman ay binili pa niya sa junk shop. Limang araw umano niya itong ginawa sa tulong na rin ng isang welder.

Imahe mula kay Rod Aris Reyes Lopez via Facebook

“Idea and design ko po yan. Mahilig ako mag-collect ng mga lumang kagamitan. Dapat po sana ilalagay ko sa ibabaw ng bakod namin kaso nag iba ng plan,” ani Rod sa isang panayam. Siya ay isang market collector sa kanilang munisipyo sa Orani, Bataan.

Halos nasa sampung taon na umano itong nangongolekta ng mga lumang bagay dahil ito ang kanyang hilig. Kuwento niya, nais din niyang magkaroon ulit ng silbi o halaga ang mga  lumang bagay na inakala natin ay pang-display na lamang.

Imahe mula kay Rod Aris Reyes Lopez via Facebook

Bukod sa tinawag niyang “Gate Project Old Sewing Machine,” ang sunod na proyekto ni Rod ay ang paglilipat ng gumaganang TV sa lalagyan ng vintage TV upang magamit umano muli ito.

“Sa kabila ng pandemic ay lalo pa po ako nakakapag isip ng mga puwedeng gawin. Eto na po ang hobby o libangan ko; ang mag-restore o mag-repair ng mga lumang gamit,” ani Rod.

Nakabibilib na hilig!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: